29/10/2025
ππππ πππ, πππππ ππ ππ ππππππππ ππ πππππππππ ππππ ππ πππππ ππππ
Pinulong ni Mayor Edsir Q. Tan ng Jolo ang mga kawani ng Jolo Municipal Government kasama ang ibat ibang line agency upang aktibahin ang Oplan Kaluluwa 2025 bilang bahagi ng paghahanda at obserbasyon ng Undas sa November 1 at November 2.
Ayon kay Mayor Tan, kaisa rito ang kanilang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Municipal Engineer's Office, Jolo Municipal Police Station at iba pang unit ng PNP, Bureau of Fire Protection, 35th IB, Phil. Coast Guard, Barangay San Raymundo, katuwang din ang ibat ibang radio clubs at Phil. Red Cross Sulu Chapter, layunin na matiyak ang maayos at payapang pagbisita ng mga pamilya ng mga yumaong nakahimlay sa Mt. Carmel Cemetery sa Martirez Street, Barangay San Raymundo Jolo, Sulu.
Mula alas 6 ng umaga sa November 1, araw ng Sabado ay mayroong ng nakabantay sa bukana ng sementeryo, inaasahan din nila ang pagsasagawa ng misa sa loob ng cemetery at pagbasbas sa mga puntod, at patuloy sila aniyang nakabantay hanggang November 2, 2025.
Bago ang Undas, ayon kay Tan isang clean-up drive sa loob ng sementeryo ang kanilang isasagawa bukas, October 30, 2025 na pangungunahan ng Municipal Engineer's Office at 35th IB kasama na rin ang Barangay San Raymundo at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na malinis ang paligid at maalis ang mga basurang naipon at iba pang maaaring makasagabal sa mga bibisita.
Sa October 31 naman magsisimula na silang mag set-up ng mga gamit at paghahanda ng seguridad para sa kaganapan ngayong weekend.
Ibayong pag-iingay ang paalala ni Mayor Tan sa mga magtutungo sa Mt Carmel Cemetery, lalo sa mga nakalipas na mga araw ilang kahoy ng acacia ang nabuwal sa kahabaan ng Martirez, dagdag pa ang pabugso-bugsong pag-ulan. Pagtitiyak nito handa ang Jolo Municipal Government katuwang ang ibat ibang ahensya na tumulong at rumesponde sa anumang emerhensiya.
Ang inisiyatibong ito ay magpapakita aniya ng matatag at magandang relasyon ng Muslim at Christian community sa Jolo na malayang nakakapagdaos ng kanilang religious practices mula noon hanggang ngayon.
π·: MDRRMO Jolo/FB