The Local Government Unit of Juban

The Local Government Unit of Juban Tagapaghatid ng napapanahon at mapagkakatiwalaang balita tungkol sa Lokal na Pamahalaan ng Juban.
(3)

28/03/2025

MDRRMO JUBAN LOCAL WEATHER UPDATE
As of March 28, 2025

27/03/2025
27/03/2025
2 JUBANGNON AT IBA PANG SORSOGANON, PINARANGALAN SA SSU GABI NG PAGKILALA SA MANLILIKHANG SORSOGANON 2025Sa isang makula...
27/03/2025

2 JUBANGNON AT IBA PANG SORSOGANON, PINARANGALAN SA SSU GABI NG PAGKILALA SA MANLILIKHANG SORSOGANON 2025

Sa isang makulay at makabighaning gabi ng pagkilala sa mga manlilikha at mga alagad ng sining mula sa Sorsogon, ginanap ang taunang Gabi ng Pagkilala sa Manlilikhang Sorsoganon 2025 sa Sorsogon State University (SSU) ngayong gabi, Marso 27, 2025. Sa naturang pagtitipon, pinarangalan ang dalawang Jubangnon na alagad ng sining at kulturang sina Teddy Griarte Espela at Zaldy Grefaldeo, kasama na ang iba pang mga Sorsoganon na may natatanging kontribusyon sa sining at kultura ng lalawigan.

Si Ginoong Grefaldeo ay kinilala sa kanyang masining na paglikha ng Juban Hymn samantalang si Ginoong Espela naman ay kinilala dahil sa kanyang malikhaing pagsulat.

Ang gabi ng pagkilala ay isang mahalagang bahagi ng programa ng SSU upang mapalaganap ang kahalagahan ng lokal na kultura at sining. Isinasagawa ito upang maipakita at mapahalagahan ang mga natatanging gawa ng mga Sorsoganon sa iba’t ibang larangan tulad ng pagsusulat, pagpapalaganap ng tradisyon, at ang iba pang mga formang artistiko. Muling ipinamalas sa okasyong ito ang pagtangkilik at pagpapahalaga ng komunidad sa kanilang mayamang kasaysayan at kultura.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Juban ay ipinagmamalaki kayo! Mabuhay po kayo at ang kulturang Jubangnon!



πŸ“·: Bb. Mabel Hainto

PAGKILALA KAY MAYOR GLORIA LEANDER-ALINDOGAN: INA NG BAYAN NG JUBAN Si Mayor Gloria L. Alindogan ay hindi lang basta isa...
27/03/2025

PAGKILALA KAY MAYOR GLORIA LEANDER-ALINDOGAN: INA NG BAYAN NG JUBAN

Si Mayor Gloria L. Alindogan ay hindi lang basta isang lider kundi ina ng bayan. Mula sa kanyang mga hakbang upang mapaunlad ang Bayan ng Juban hanggang sa kanyang malasakit sa bawat mamamayan, siya ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa ating lahat.

Bago pa man manilbihan bilang Alkalde ng Bayan ng Juban, bilang may bahay ni former Mayor Antontio "Cama" Alindogan, ay pinanguhan ni Mayor Gloria ang pagbuo sa KALIPI Women’s Organization na naging kaisa ng Lokal na Pamahalaan ng Juban sa pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan.

Siya ay buhay na patunay na ang mga kababaihan ay may puwang at kakayahan na manilbihan sa larangan ng paggogobyerno at pamamahala.

Saludo kami sa iyong dedikasyon at malasakit para sa patuloy na pag-unlad at mas progresibong Juban Mayor Glo!



27/03/2025
MENSAHE NI MAYOR GLORIA L. ALINDOGANPARA SA MAGSISIPAGTAPOS SA SY 2024-2025Magandang araw sa ating mga magtatapos, mga g...
27/03/2025

MENSAHE NI MAYOR GLORIA L. ALINDOGAN
PARA SA MAGSISIPAGTAPOS SA SY 2024-2025

Magandang araw sa ating mga magtatapos, mga g**o, magulang, at sa buong Bayan ng Juban!

Sa araw na ito, ipinaaabot ko ang aking taus-pusong pagbati sa inyong lahat. Ang pagtatapos ng bawat isa sa inyo ay isang tagumpay na nagbukas ng bagong kabanata sa inyong buhay. Kasama ang inyong pamilya, g**o, at komunidad, narito kayo ngayon dahil sa inyong sipag, pagsisikap, at dedikasyon.

Ang temang β€œHenerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay ng Bagong Pilipinas,” nagpapaalala sa ating lahat ng kahalagahan ng pagkakaisa. Ang pagkakaisa ay hindi lamang isang salita, kundi isang aksyonβ€”isang bagay na kailangang gawin sa araw-araw. Kung titignan natin ang mga simpleng bagay sa ating mga tahanan at paaralan, makikita natin na ang pagtutulungan at pagkakaisa ay nakapagdadala ng magandang resulta. Sa bahay, magkasama kayong nagtatulungan upang mapanatili ang kaayusan at mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay. Sa paaralan, ang mga g**o, magulang, at mga estudyante ay nagkakaisa upang matutunan at maabot ang mga pangarap.

Ngayon, bilang mga kabataan, kayo ay may mahalagang papel sa ating Bayan ng Juban. Ang pakikiisa sa mga aktibidad at proyekto ng Lokal na Pamahalaan ay isang paraan ng pagpapakita ng inyong malasakit at pagmamahal sa ating bayan. Ang inyong mga ideya at aktibong partisipasyon ay magsisilbing lakas upang mapabuti ang ating bayan. Sa bawat hakbang na gagawin niyo, tumutulong kayo sa pagbuo ng mas maunlad na Juban at mas maganda at mas progresibong Pilipinas.

Hindi kayo nag-iisa sa inyong mga pangarap. Lahat tayo ay nagnanais ng pagtatagumpay, at sa ating pagkakaisa, magagampanan natin ito. Ang mga kabataan ng Bayan ng Juban ay may kakayahang baguhin ang ating bayan at magbigay ng liwanag sa kinabukasan ng ating bansa.

Muli, binabati ko kayong lahat! Huwag kayong tumigil sa pagsusumikap at magpatuloy sa pagtutulungan, hindi lamang sa inyong mga pamilya, kundi pati na rin sa komunidad. Ang inyong mga pangarap ay bahagi ng pangarap ng ating bayan. Magkaisa tayo, magtagumpay tayo, at sama-sama nating buuin ang Bagong Pilipinas!

Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!

27/03/2025
π‘πŽπ’π„ 𝐉𝐀𝐍𝐄 'ππ€π“πˆπ“' ππ€π‘π‚π„π‹πŽππ€, πŠπ€πŒππ„πŽπ 𝐒𝐀 𝟏𝟎𝟎𝐌 𝐃𝐀𝐒𝐇 𝐒𝐀 πŸπŸŽπŸπŸ“ ππ€π‹π€π‘πŽππ† ππˆπ‚πŽπ‹Muling ipinamalas ni Rose Jane "Batit" Barcelona...
27/03/2025

π‘πŽπ’π„ 𝐉𝐀𝐍𝐄 'ππ€π“πˆπ“' ππ€π‘π‚π„π‹πŽππ€, πŠπ€πŒππ„πŽπ 𝐒𝐀 𝟏𝟎𝟎𝐌 𝐃𝐀𝐒𝐇 𝐒𝐀 πŸπŸŽπŸπŸ“ ππ€π‹π€π‘πŽππ† ππˆπ‚πŽπ‹

Muling ipinamalas ni Rose Jane "Batit" Barcelona ng Barangay Rangas, Juban, Sorsogon ang kanyang galing sa pagkakapanalo ng GOLD MEDAL sa 100 m dash sa Palarong Bicol 2025 Athletics Competition. Kasalukuyan niyang inirerepresenta ang kanyang paaralan--ang Gallanosa National High School--at ang Probinsya ng Sorsogon sa nasabing kumpetisyon.

Sa darating na Palarong Pambansa ay isa si Rose Jane sa magrerepresenta sa Bicol.

Congratulations Rose Jane "Batit" Barcelona, ikinararangal ka ng Bayan ng Juban!

NOTICE OF SCHEDULED POWER INTERRUPTIONMARCH 29, 2025 | SAT | 6:00 AM- 6:00 PMReason: Preventive and corrective maintenan...
27/03/2025

NOTICE OF SCHEDULED POWER INTERRUPTION

MARCH 29, 2025 | SAT | 6:00 AM- 6:00 PM

Reason: Preventive and corrective maintenance along the line. Substation maintenance activities at Daraga SS, Sorsogon SWS, Bulan LES and Irosin SWS.

27/03/2025
26/03/2025

Congratulations to Juliana M. Balana for securing the Bronze Medal in the Paragames 400md during the Bicol Meet 2025!

Your hard work and determination are truly inspiring. ❀️❀️πŸ’ͺπŸ’ͺ

Basta Batang JGAES ,Da'best ❀️❀️

Address

LGU Compound, Barangay North Poblacion, Sorsogon
Juban
4703

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Local Government Unit of Juban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Local Government Unit of Juban:

Videos

Share