28/10/2025
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ, ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ ๐ผ ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐ธ๐ผ?
โPre, may gusto ka raw saโkin?โ
Nabitin ang hangin sa pagitan naming dalawa. Pumintig ang ilaw ng poste na animoโy sinasadyang maging saksi sa kahihiyang paparating.
Tahimik ang kanto sa likod ng covered court kung saan kami palaging tumatambay pagkatapos ng laro. Naliligo pa ako sa pawis, si Lloyd ay naka-jersey pa, at sa ilalim ng poste ay para kaming mga kaluluwang hindi makapaniwala sa tanong na iyon.
โHa? Saan mo naman narinig iyan?โ pilit akong tumawa, pero ang totoo ay may nakabarang takot at kaba sa lalamunan ko.
โWala, may nagsabi lang saโkin,โ sagot niya sabay tapon ng bote ng tubig. โBakit, totoo ba?โ
Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Kasi paano mo nga naman sasagutin iyon? Paano mo ipapaliwanag na minsan sa gitna ng bawat biruan at tawanan ay may mga sandaling gusto mong tumigil na lang bigla ang mundo?
Gusto mong humaba ang gabi kasi ayaw mong matapos ang kwentuhan niyong dalawa. Na minsan, kapag tinatawag ka niyang โpareโ ay may parte saโyo na umaasang sana ay ibang tawag na lang.
โLloyd...โ halos pabulong kong ani bago ko siya tiningnan nang diretso sa mata. โPaano kung totoo? Anoโng gagawin mo?โ
Hindi siya sumagot agad, imbes ay kinuha niya lang ang bola at sinimulang i-dribol ito, habang ako ay nakaabang sa susunod niyang sasabihin.
โEwan. Siguro, wala. Hindi ko alam.โ
At doon ko napagtantoโhindi mo talaga alam ang gagawin kapag may naramdaman kang hindi naman dapat. Kapag binigyan ka ng posibilidad na hindi mo naisip noon.
Hininto niya ang ginagawa niya at umupo sa tabi ko, tahimik lang. Pareho kaming nakatingin sa harap ng pader, pinapakiramdaman ang bawat isa nang bigla siyang tumayo at naunang maglakad. Tumayo rin ako pero napahinto nang bigla siyang lumingon.
โSige lang, pre. Walang magbabago, ah?โ Ngumiti ako, kahit parang gusto kong umiyak.
โOo naman. Walang magbabago.โ
Pero alam kong may nagbago sa pagitan namin. Kasi sa ilang beses niyang tawag sa akin ng โpareโ ay ito lang ang pinakamasakit...
Dahil alam ko, na kahit anong mangyari ay hindi ako kailanman magiging higit pa sa tawag na iyon.
๐ป: Lance Huevos (viaAce Julius Pagunsan)
๐จ: Norcille Julee Martinez