19/10/2026
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Champi na may lakas na 175 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 215 kilometro kada oras. Nasa 1,600 kilometro ito sa silangan ng timog-silangang Luzon at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, October 20, kung saan papangalanang Rosal.
Posibleng muling lumakas ang bagyo bilang super typhoon ngayong gabi. Maaaring magtaas ng Wind Signal No. 3 o 4 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Bicol Region. Inaasahan din ang malalakas na bugso ng hangin, pag-ulan sa dulong hilaga ng Luzon, at mapanganib na kondisyon ng karagatan sa ilang baybayin.