27/10/2019
Whats inside of me ,,
Minsan andami mong gusto gawin sa buhay mo,
Minsan andami nating plano sa mga buhay natin,
Gusto mong gawin yung bagay na makakapagpasaya sayo, yung makapagpapasatisfy sayo, yung mga bagay na matagal mo nang gusto gawin,
Marami tayong gusto gawin na minsan hindi talaga nakatadhana saten para gawin natin at mangyari sa buhay naten, pano ba yan ? masasabi ba nating our life is not worth it? Dahil hindi naten naabot mga gusto at plano naten sa buhay natin >?
Minsan pinangarap natin maging isang dancer, singer, band vocalist, photographer, outstanding honorable college student, traveler, environmentalist, piloto , at marami pang iba,
Pero you ended up as a service crew, tagalinis sa bakery, tagabantay ng computer shop, or minsan sa isang opisina pero allowance lang naman nakukuha mo,
Minsan iniisip mo , naggraduate kang salutatorian ? Valedictorian ?> With honors? pero bakit ganito saken ang buhay ? bakit ako ? bakit sa dinami dami ng tao bakit ako ?
Parang unfair diba ? Yung tipong kapag pinag uusapan na yung alumni nyo , bigla kang umiiwas o nawawala ?
Araw araw kinakain tayo ng pagiging negative naten ,
Minsan talaga ganon , ganon ang buhay na pinlano sa atin
Pero balang araw , alam ko at alam nyo rin , na mapapawi ang lahat ng yan at masasagot lahat ng tanong natin sa isipan naten, God is with us. Keep your strength and have faith.