14/09/2025
CONFIDENTIAL FUNDS (2024 REPORT)
Ang Confidential Fund (CIF) ay bahagi ng budget ng gobyerno na inilaan sa mga opisina, ahensya, o departamento para sa mga gastusin na hindi maaaring ipahayag sa publiko dahil sa seguridad, Intelligence o sensitive operation na kadahilanan. Ito ay hindi personal na pera ng mga politiko, sa halip, ito ay kontrolado ng pinuno ng opisina o ahensya at nasasailalim sa mga patakaran sa accounting ng gobyerno.
1. Layunin ng Confidential Funds
Ang mga confidential fund ay inilaan para sa:
• Intelligence operations: Pagsubaybay sa kriminalidad, seguridad, o banta sa bansa.
• Seguridad at proteksyon: Pagprotekta sa mga opisyal, VIP, o sensitibong pasilidad.
• Sensitibong transaksyon ng gobyerno: Emergency operations, mabilisang procurement para sa pambansang seguridad, o undercover initiatives.
• Special missions: Ilang diplomatic, anti-terror, o anti-corruption na aktibidad na hindi maaaring ipahayag sa publiko.
Halimbawa: Pagpopondo sa surveillance o pangangalap ng impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) o Department of National Defense (DND).
2. Sino ang Kumokontrol
• Ang pinuno ng opisina/ahensya (hal. Secretary, Pangulo, Bise Presidente) ang nagpapatibay sa paggamit ng confidential funds.
• Kahit inilaan sa opisina, ang pinuno ang mananagot sa pag-uulat ng paggamit nito sa mga oversight body gaya ng Commission on Audit (COA).
3. Legal na Batayan
• Ang confidential funds ay nakasaad sa General Appropriations Act (GAA).
• Ang mga ahensya ay hindi maaaring lumampas sa inilaan na halaga, at ang mga gastos ay dapat idokumento o i-record, kahit na ang detalye ay classified.
• COA ang nag-audit upang matiyak na tama ang paggamit, kahit na maaaring hindi mailahad ang mga detalye sa publiko.
4. Halimbawa ng mga Opisina na May CIF
• Office of the President (OP) – pinakamalaking alokasyon para sa Intelligence operations at pambansang seguridad.
• Department of National Defense (DND) – kasama ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
• Department of the Interior and Local Government (DILG) – kasama ang operasyon ng PNP.
• Department of Justice (DOJ) – ginagamit para sa undercover o sensitibong law enforcement operations.
• Office of the Vice President (OVP) – hindi humingi ang opisina ng VP ng CIF noong 2024 at 2025.
Credit: Pinoy History