29/01/2025
🚫 KABAKLAAN AT PAMBABAKLA, AT MGA KATULAD NG MGA ITO AY HARĀM SA ISLĀM 🚫
Isinalaysay ni Ibn 'Abbās (ra): Winika ng Propeta (ﷺ), (sa pakahulugan):
"Kapag nakita ninyo ang sinoman na gumagawa ng gawain ng mga mamamayan ni Lūt,(41) patayin ang gumagawa nito at ang yaong ginagawan niya nito; at kapag nakakita kayo ng sinoman na nakikipagtalik sa isang hayop, patayin siya at patayin ang hayop."(42)
[Iniulat ni Ahmad at ng Al-Arba'ah. Ang mga tagapagsalaysay nito ay mapapanaligan. Gayon man, mayroong pagkakaiba-iba tungkol dito (i.e. sa legal na pagbabatas nito)].
________________________
⁴¹ i.e. homoseksuwal, [pagkakaroon ng pagnanasang seksuwal sa katulad na kasarian, i.e. lalaki sa lalaki o babae sa babae). [Bakla at Tomboy - KG]
⁴² Mayroong pagkakaiba-iba ng opinyon ang mga iskolar patungkol sa kaparusahan para sa isang nakagawa ng isang gawaing sodomya sa isang lalaki o isang babae, bagama't walang ibang kaparusahan sa alinmang mga tumpak na Hadīth maliban sa kamatayan. Ito ay nangangahuluhagan na ang pagkakaiba-iba ng opinyon ay patungkol sa pamamaraan o klase ng pagpapatupad ng parusang kamatayan. Ang ilan (sa mga iskolar) ay nasa opinyon na ang gayong tao ay dapat na batuhin hanggang sa mamatay. Ang iba naman ay nagsasabi na siya ay dapat na ihulog sa isang mataas na lugar. Ang ibang grupo naman ay nasa pananaw na siya ay dapat na sunugin. Ang iba pang opinyon ay - na ang pagbabatas sa isang nangalunya ay ipapataw sa kanya: kapag kasal, siya ay babatuhin hanggang sa mamatay; kung hindi, siya ay isasailalim sa kaparusahan ng 100 hagupit na may posibilidad ng pagpapalayas mula sa lupain [ng Islām]. At Si Allāh (تعالى) ang Mas Nakaaalam!!
#