25/10/2025
Bilang isang lalaki, ang paraan ng pagmamahal at pagtrato mo sa iyong asawa ang huhubog kung paano ka niya mamahalin, rerespetuhin, at susuportahan. Kung gusto mong siya ay magpasakop, rumespeto, at mag-alaga sa’yo, tanungin mo muna ang sarili mo: Ibinibigay ko rin ba sa kanya ang mga ito?
Ang respeto ay hindi pinipilit, ito ay kailangang paghirapan. Ang pag-ibig ay lumalago kapag inaalagaan. Ang isang babae ay natural na susunod sa iyong pamumuno kapag nararamdaman niyang siya ay ligtas, pinahahalagahan, at minamahal. Tigilan na ang pag-asang makakakuha ka ng higit kung hindi mo rin naman ito kayang ibigay. Kung gusto mong ipadama niya sa’yo na isa kang tunay na lalaki, maging lalaki ka na nagpapadama sa kanya na siya ay espesyal, mahalaga, at inaalagaan.
Ang pagiging pinuno sa pag-aasawa ay hindi tungkol sa pagkontrol, kundi sa pagmamahal at paglilingkod. Maging mabuting tao araw-araw, hindi lang para sa sarili mo kundi para sa kanya rin. Kapag pinakitaan mo siya ng kabaitan, pinarangalan mo ang mga ginagawa niya, at iniinvest mo ang oras at puso mo sa kanyang kaligayahan, tutugon siya ng mas higit pang pag-ibig at respeto.
Kung gusto mong maramdaman niya na isa siyang reyna, kailangan mo munang kumilos bilang hari na nararapat sa kanya. Tratuhin mo siyang mabuti, at ibabalik niya ito sa’yo nang mas higit pa. Sa pag-aasawa, ikaw ang nagbibigay ng pinakamagandang halimbawa.
CTTO.