21/07/2025
REFRESHING VIEW AT AIR ANG HANAP?
Tara sa Mount Opao na matatagpuan sa Sitio Embaywan, Tigum, Buruanga, Aklan.
Sa tuktok ng Mount Opao, damang-dama ang napakalamig na simoy ng hangin.
Maging ang mga huni ng ibon ay tila musika na nagpapakalma sa stressful mong mundo.
Tanaw na tanaw din ang iba’t ibang isla at mga lugar mula sa tuktok ng bundok.
Ito ay nasa dalawa’t kalahating metro ang layo mula sa Sitio Sapasapon papuntang Mt. Opao.
Sa gitna ng paglalakbay, bubungad sayo ang ibang klase ng lupa na tinatawag nilang white clay, at seramic na bato.
Malayo ngunit worth it naman ang ganda kapag marating ang tuktok nito.
Naging tradisyon na din na tuwing Mahal na Araw ay dinarayo ang naturang lugar ng mga residente sa kalapit na barangay o lugar para mag-picnic, mag-picture at kumuha ng mga" pitchel-pitchel at kuding-kuding "at iba pang mga halaman.
Bagama’t sususbukin ang tatag sa lakaran ay mapapabilib ka din sa Instagram-worthy nitong tanawin.
📸: Sean Dominguez
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
D3BIO, DTX500, MIGHTY CEE, DTX COFFEE MIX
👉Mabibili sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave., Kalibo, Aklan.
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
MAKINIG SA KAMPEON NA ISTASYON SA KALIBO, ANG K5 NEWS FM 94.5
BANDERA NOON, K5 NEWS FM NA NGAYON!