30/12/2025
FOOD STALL SA KALIBO, NINAKAWAN; HALOS P3,000 CASH AT MGA PANINDA, TINANGAY
KALIBO, AKLAN โ Ninakawan ng hindi pa tukoy na mga suspek ang isang food stall sa tapat ng isang ospital sa bayan ng Kalibo, madaling araw ng Martes, Disyembre 30, 2025.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang may-ari mula sa kanyang tauhan bandang alas-2:00 ng madaling araw matapos mapansing bahagyang nakabukas ang kanilang stall na siguradong nailock naman niya umano bago umalis.
Agad itong pinuntahan ng may-ari, kung saan, napansin niyang sapilitang binuksan ang pinto ng tindahan. Sa loob, nadiskubreng nawawala ang mga sumusunod na item: mga junk foods, biskwit, at macaroons. Apat (4) na pakete ng sigarilyo, isang lata ng beer, mga cup noodles, bottled mineral water, at isang cash box na naglalaman ng tinatayang Php 3,000.00.
Base sa pahayag ng isang security guard na on-duty sa kalapit na establisyemento, pinaniniwalaang tatlong (3) hindi pa nakikilalang suspek na mga menor de edad ang siyang kumuha sa mga paninda, na maaring naganap sa pagitan ng alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay sa insidente.
โ๏ธ RmJeff