25/07/2025
‘HINDI PORKE’T PINUTOL MO NA ANG KONEKSYON, GALIT KA NA AGAD. GINAWA MO 'YON KASI BAKA MAS MAKABUTI AT MAS TAHIMIK PARA SA’YO, AT PARA RIN SA KANILA. MINSAN, KAILANGAN MONG MAGDESISYON KAHIT MASAKIT, BASTA ALAM MONG DOON KA MAGIGING PAYAPA.’
Hindi mo naman ginustong dumistansya, pero minsan kailangan mo talagang piliin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan kung napagod ka na sa paulit-ulit na sakit. Kapag wala nang growth at puro na lang bigat, okay lang na kumalas.
May mga tao talagang kahit mahal mo, hindi mo na kayang ipilit pa. Hindi dahil sumuko ka, kundi dahil pinili mong huwag nang ipaglaban 'yung paulit-ulit kang nasasaktan. Love should feel safe, not exhausting.
Ang hirap kasi kapag ikaw na lang palagi ang sumusubok intindihin ang lahat. Pero kapag ikaw na ang may hinihingi, bigla na lang silang tahimik o wala. Kaya minsan, silence is your loudest boundary.
Hindi mo kailangang ipaliwanag sa lahat ang desisyon mong lumayo. Hindi nila alam lahat ng pagod na tiniis mo, at mga gabi na umiiyak ka nang tahimik. Basta ang mahalaga, alam mong ginawa mo 'yung tama para sa sarili mo.
At kung sakaling bumalik man sila, tandaan mo kung bakit ka umalis. Mahalin mo pa rin sila, pero hindi na katulad ng dati. Pwedeng may respeto pa rin, pero hindi na kailangang ibalik ang dati mong binuo.
Toni Gonzaga