10/05/2025
๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐๐๐๐ข ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ข
Darating na naman ang panahon kung kailan hawak natin ang kapangyarihang magpasya, hindi sa pamamagitan ng protesta o sigaw sa kalsada kundi sa isang simpleng balota.
Sa darating na Mayo 12, 2025, gaganapin ang Halalan 2025 kung saan inaasahang boboto ang milyon-milyong Pilipino upang pumili ng bagong lider mula sa Senado at Kongreso hanggang sa mga gobernador, alkalde at konsehal.
Alinsunod sa ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ด๐ณ๐ด mula sa Malacaรฑang, idineklara ang araw na ito bilang special non-working holiday upang bigyang-daan ang lahat ng mamamayan na makibahagi sa pinakamahalagang demokratikong proseso sa bansa.
Ayon sa Commission on Elections o COMELEC, halos 69.6 milyong rehistradong botante ang inaasahang lalahok ngayong halalan. Sa kabuuang bilang na ito, humigit-kumulang 63% ay binubuo ng Millennials at Gen Z na katumbas ng halos 48 milyong botante. Ang mga henerasyong ito ay nasa edad 18 hanggang 44, mulat sa teknolohiya, aktibo sa social media, at konektado sa mga isyu ng lipunan.
Ayon sa datos ng COMELEC, mayroong 25.9 milyong Millennials, 21.8 milyong Gen Z, 17.6 milyong Gen X, at 10.5 milyong Baby Boomers at mas matatandang henerasyon. Pagdating naman sa kasarian, 50.97% ng mga botante ay kababaihan habang 49.03% ay kalalakihan.
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng rehistradong botante ay Calabarzon na may halos 9.7 milyon, sinundan ng Central Luzon na may 7.7 milyon, at Metro Manila na may 7.5 milyon.
Pero hindi lang edad ang batayan ng pagiging epektibong botante; ang bawat Pilipinong edad 18 pataas, rehistrado at kwalipikado, ay may kapangyarihang pumili ng mga lider na tunay na magsisilbi.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด. Mahalaga ring maging handa at maalam upang masig**ong maayos ang karanasan sa araw ng halalan.
Alamin ang iyong presinto sa pamamagitan ng online precinct finder ng COMELEC. Siguraduhing may dalang valid ID gaya ng UMID, driver's license o passport. Ugaliing dumating nang maaga upang maiwasan ang mahabang pila. Sinisig**o ng PNP ang mapayapang halalan na walang gulo at dayaan. Ang mga poll workers naman ang gabay sa presinto at ang magbibilang ng mga boto. Gayunpaman, mahalagang sundin ang mga patakaran upang maging matiwasay ang takbo ng halalan.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐๐ฎ-๐ฏ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป. Sa katunayan, ito ang pinakamahalagang sandali ng bawat mamamayan. Ito ang realidad, at ang boto mo ay hindi lamang marka sa balota kundi isang paninindigan para sa kinabukasan ng iyong pamilya, komunidad, at ng buong Pilipinas.
Ngayong Halalan 2025, huwag hayaang masayang ang pagkakataon.
๐๐๐บ๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ. ๐๐๐บ๐ผ๐๐ผ. ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ.
| Renz Tyrone
๐ผ๏ธ: Marc Andrade