
10/04/2025
Leave a message. ❤️
ANONG MENSAHE MO SA KANILA?
Bago tuluyang magsara ang pahina ng panuruang taon 2024-2025, sandali tayong tumigil—at alalahanin ang ating mga g**o. Sa munting mensahe na maibibigay natin sa kanila makapagbigay tayo ng sigla, saya at inspirasyong dadalhin nila sa pagtahak sa bagong landas.
Sila’y dumating, pagod man o puno ng sigla, tangan ang pag-asang ang kanilang maliit na binhi ay tutubo sa puso ng bawat isa.
Sa bawat hakbang at salita, tahimik nilang hinubog ang ating paningin sa mundo, at ang pagkilala sa sarili nating halaga.
Maaaring ‘di nila mabatid ang lalim ng kanilang naiambag, ngunit dala-dala natin ito—sa isip, sa puso, at sa kung sino na tayong unti-unting nililikha."