18/01/2023
LOOK | Mas lalo pang palalakasin ang serbisyong may puso na ibibigay sa masa ng Radyo Bandera Sweet FM Philippines at 5K Broadcasting Network, Inc.
Sa ginanap na 5th Manager’s Conference sa Panglao, Bohol na may temang “Public Service at its Finest: Continuing the RYU Legacy in 2023”, pinag-usapan ang iba’t-ibang programa ng Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center, 5K Broadcasting Network, Radyo Bandera Sweet FM Philippines, KFive FM at RYU Foundation, Inc., kung saan naging sentro kung papaano mas mailalapit ang serbisyo publiko lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.
Kaugnay nito, isa-isa ring naglatag ng kanya-kanyang plano ang bawat Managers mula Western Visayas, Negros Island at Central Visayas.
Bukas rin ang kompanya sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at mga non-government organization.
Magugunita na kilala ang CEO na si Dr. Ramel Y. Uy sa pagtulong sa mga mahihirap, at sa pagbibigay ng mga karagdagang kagamitan sa ilang mga ahensya ng gobyerno upang mas mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa komunidad.
Maliban sa pagbibigay ng napapanahon at may kabuluhang balita, musika at saya.
Ang kompanya sa pangunguna ni Dr. Uy ay naglalayong maghatid ng serbisyong may puso sa masa.
Naniniwala rin ito na mahalagang parte ng kompanya ang mga empleyado, kaya't maliban sa taunang pagpupulong, nagbibigay din ang CEO ng mga libreng tour sa mga Managers na inililibot sa mga sikat na tourist destinations hindi lang sa Pilipinas, kungdi maging sa ibang bansa.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!