17/10/2025
AKLAN’S PRIDE: ILANG AKLANON, PASADO SA PHYSICIAN LICENSURE EXAMINATION 2025
Ilang Aklanon ang kabilang sa mga bagong lisensyadong doktor ng bansa matapos matagumpay na makapasa sa 2025 Physician Licensure Examination (PLE).
Kabilang rito sina Dr. Mariah Crizella Yerro Abanto ng Malinao at Dr. Blessie Mayen Malumay Nuñez ng Numancia.
Si Abanto ay anak nina Dr. Christopher Abanto at Mary Grace Yerro Abanto. Samantala, si Nuñez naman ay nagtapos sa Central Philippine University (CPU) sa Iloilo City.
Ang kanilang tagumpay ay nagdala ng karangalan hindi lamang sa kanilang mga pamilya kundi sa buong Aklan — patunay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga kabataang Aklanon sa larangan ng medisina.
Ipinapaabot din ang pagkilala sa iba pang Aklanon passers ng PLE 2025 na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa lalawigan. Congratulations!
Note: Kung may kilala po kayong mga Aklanon na pumasa sa 2024 Bar Exam, please comment below or mag-message sa aming inbox. Maraming Salamat, kaibigan!
Sa iba pang balita, bisitahin: www.radyotodo.ph