Alerto Lindol

Alerto Lindol Ang page na ito nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman patungkol sa lindol.

16/12/2018
Ano ba ang dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol? Heto ang ilang mga paalala at mga pag-iingat na dapat iasag...
20/09/2017

Ano ba ang dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol? Heto ang ilang mga paalala at mga pag-iingat na dapat iasagwa kapag may lindol.

BAGO ANG LINDOL

Indibidwal:
Alamin kung ang iyong opisina, eskuwelahan, o pabrika ay mayroong emergency plan. Kung mayroon, siguraduhin mong alam mo kung paano patakbuhin ang planong ito. Kung wala, ikaw na ang magkusang isagawa o
humikayat sa mga kasamahan mo na gumawa ng plano.

Pamilya:
1. Dapat mayroon kayo ng de-bateryang radyo, flashlight, at first aid kit. Siguraduhing alam ng lahat kung saan nakalagay ang mga ito. Magtago rin ng
mga ekstrang baterya. Magtabi ng mga de-latang pagkain, tubig, at iba pang
gamit na maaaring kailanganin ng iyong pamilya.
2. Matuto ng first aid.
3. Alamin kung saan nakalagay ang mga balbula (valve) ng gas at tubig at ng
electric fuse box. Siguraduhing alam ng mga responsableng miyembro ng
iyong pamilya kung paano isasara ang mga ito.
4. Siguraduhing nakalagay ang mabibigat na kagamitan sa sahig at isandal ang
mabibigat na kasangkapan kagaya ng aparador sa dingding.
5. Huwag maglagay ng mabibigat na gamit sa ibabaw ng matataas na istante.
6. Gumawa ng plano para sa mga miyembro ng iyong pamilya na magsama-sama sa panahon ng lindol.
7. Dalasan ang pagpraktis ng pagsasanay para sa lindol.

Komunidad:
Ang mga pagsasanay para sa lindol (earthquake drills) ay kinakailangan sa isang komunidad upang alam ng lahat ang kanilang gagawin sa pagkakataong magkakaroon ng lindol. Pagsasanay para sa lindol sa isang eskuwelahan

HABANG LUMILINDOL

Indibidwal:
1. Maging mahinahon at tumigil sa iyong kinaroroonan, kahit na nasa labas o
loob ka. Maraming tao ang napipinsala sa kanilang pagpasok o paglabas ng
mga gusali.
2. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay o gusali, tumayo kontra sa pader na
pinakamalapit sa sentro ng gusali. Maari ka ring tumayo kontra sa pintuan o
sumukob sa ilalim ng mesa o ibang matatag na kasangkapan.
3. Kung ikaw ay nasa isang gumagalaw na sasakyan, itigil ang sasakyan at
mamalagi sa loob hanggang sa matapos ang pagyanig.

Pamilya:
1. Siguraduhing bawat miyembro ng iyong pamilya ay nakatigil sa ilalim ng
mabibigat o malalakas na kagamitan.
2. Sabihan ang bawat miyembro ng iyong pamilya na maging mahinahon at
umiwas sa mga gamit na maaring mahulog.

PAGKATAPOS NG LINDOL

Indibidwal:
1. Tingnan ang sarili at ibang tao na malapit sa iyo para sa mga kapinsalaan.
Magbigay ng first aid kung kinakailangan.
2. Siyasatin ang tubig, gas, at linya ng kuryente. Kung ang mga ito ay may sira,
isara ang mga balbula. Siyasatin din kung mayroong tumutulong gas sa
pamamagitan ng pag-amoy rito. Kung tumutulo nga ang gas, ibukas lahat ng
bintana at pintuan, lumisan at ipagbigay-alam, ito sa mga awtoridad.
3. Buksan ang radyo at makinig ng balita. Gamitin lamang ang telepono para sa
mahahalagang mensahe.
4. Huwag bombahin ang palikuran hanggang hindi nasisiyasat ang mga linya ng
alkantarilya.
5. Huwag pumasok sa mga sirang gusali.
6. Magsuot ng bota upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa basag na
salamin at mga labi.

Pamilya:
1. Siyasatin ang bawat miyembro ng iyong pamilya para sa mga
posibleng pinsala.
2. Siyasatin ang mga lugar na maaaring pagmulan ng sunog.
3. Huwag pabayaang gumala ang mga bata. Sabihin na maaari silang
makuryente dahil sa mga nahulog na buhay o aktibong kable.

MGA EPEKTO NG LINDOL
20/09/2017

MGA EPEKTO NG LINDOL

Paano nga ba nasusukat ang isang lindol?
16/09/2017

Paano nga ba nasusukat ang isang lindol?

Iba-iba ang mga nagsilabasang teorya kung papaano nagkahiwalay-hiwalay ang kalupaan noon ngunit ang teorya ng Plate Tect...
16/09/2017

Iba-iba ang mga nagsilabasang teorya kung papaano nagkahiwalay-hiwalay ang kalupaan noon ngunit ang teorya ng Plate Tectonics lamang ang tinanghal na katanggap-tanggap na teorya.

ANO ANG LINDOL?Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ...
16/09/2017

ANO ANG LINDOL?

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo. Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa. Ang malakas na enerhiya na nilalabas ng mga atomikong pagsabog o ng mga pagputok ng bulkan ay maaring makapagdulot ng lindol, ngunit ang mga pangyayaring ito ay maituturing na mahina at madalang. Mayroong sapat ng patunay na ang mundo ay hindi isang statik na planeta. Ayon din sa ilang pag-aaral, ang pang-ibabaw na kalatagan ng mundo ay umaangat paminsan-minsan. Patunay dito ang mga ilang sinaunang parte ng kalatagan ng mundo na noon ay nasa mababang lugar na ngayon ay may ilang metro na angat sa pinakamataas na antas ng alon. Sa kabilang banda naman, ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng matinding pagbaba ng lupa. Karagdagan sa mga patayong pag-iiba na mga nabanggit ang pagkawala ng pagkakahanay ng mga bakuran o kalsada, at iba pang mga struktura na nagpapakita ng pahalang na paggalaw. Ang mga paggalaw na ito ay karaniwang maikakabit sa malalaking bitak sa pang-ibabaw na kalatagan ng mundo na tinatawag na fault.

Ayon sa mga siyentipikong nag-aaral ng seismolohiya, mayroong mga paraan upang masukat ang laki ng isang lindol – katindihan (Ingles: intensity) at kalakasan (Ingles: magnitude). Ang katindihan ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang lindol. Sa pagkakaroon ng mga seismograpo, naging malinaw ang pagkakaroon ng siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong talaan sa halip na paggamit ng mga walang katiyakang pansariling taya at opinyon na nakabatay lamang sa pinsala. Ang paraan ng pagsukat na ito ay tinatawag na kalakasan. Ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos mga seismikong tala (at iba pang mga pamamaraan) para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol.

Address

RDC Building, Capitol Site
Kalibo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alerto Lindol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category