Energy FM 107.7 Kalibo

Energy FM 107.7 Kalibo Balita, Impormasyon, Musika at Serbisyo Publiko!
(703)

11/07/2026

07-11-26 ENERGY AFTERNOON DELIGHT ON A WEEKEND
with DJ CHEENA

Pinuna ni Sen. Ping Lacson ang aniya'y paulit-ulit na pattern ng mga personalidad na bigla na lang nagkakasakit o nao-os...
11/07/2026

Pinuna ni Sen. Ping Lacson ang aniya'y paulit-ulit na pattern ng mga personalidad na bigla na lang nagkakasakit o nao-ospital kapag pinatawan ng contempt ng Senado o nahaharap sa pag-aresto.

Patunay raw dito sina dating DPWH Sec. Manuel Bonoan at Sen. Rodante Marcoleta na kapwa nahaharap ngayon sa mga kasong plunder at graft sa Sandiganbayan at kasalukuyang naka-confine sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH).

Kinuwestiyon din ni Lacson kung sino ang sasagot sa gastusin sa ospital nina Bonoan at Marcoleta habang nasa PNP-GH.

“Bawal magka-'warrant.' Baka magkasakit,” pasaring pa ng senador sa kaniyang post sa X.

11/07/2026

PANOORIN| Panayam kay kasimanwang Ednalyn Dela Cruz tungkol sa kanilang mga alagang hayop na ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang mga kawatan sa Sitio Takas, Brgy. Briones, Kalibo.

MGA KAWATAN, PALDO MATAPOS NAKAWIN ANG HIGIT 10 MANOK AT 3 HIMALAYAN SIAMESE NA PUSA SA KALIBO(Kalibo, Aklan)— Paldo ang...
11/07/2026

MGA KAWATAN, PALDO MATAPOS NAKAWIN ANG HIGIT 10 MANOK AT 3 HIMALAYAN SIAMESE NA PUSA SA KALIBO

(Kalibo, Aklan)— Paldo ang mga hindi pa nakikilalang kawatan matapos nakawin ng mahigit sa sampung manok at tatlong Himalayan Siamese na pusa sa Sitio Takas, Brgy. Briones, Kalibo, Aklan.

Ayon sa 43-anyos na may-ari ng mga alagang hayop, bandang alas-6:30 ng umaga nang kanilang mapansin na nawawala na ang isang Himalayan Siamese na pusa at dalawa nitong kuting mula sa kanilang kulungan.

Nadiskubre rin nilang nawawala ang apat na manok na kinabibilangan ng mga lahing Joloano at Rhode Island. Samantala, ilan din sa kanilang mga kapitbahay ang nag-ulat na nawawala rin ang kanilang mga panabong na manok, dahilan upang umabot sa mahigit sampu ang kabuuang bilang ng mga manok ang ninakaw.

Sa isinagawang pagsusuri sa lugar, nakita na sinira ng mga suspek ang lambat na nagsisilbing bakod sa lugar na posibleng kanilang dinaanan.

Napag-alaman din na tinakpan ng tela ang ilaw malapit sa kulungan upang hindi mapansin ng mga residente ang kanilang ginagawang pagnanakaw.

Mayroon ding mga bakas ng paa na naiwan sa lugar ang mga suspek.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Kalibo Municipal Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa insidente.

Panoorin ang Live: https://www.facebook.com/share/v/1H9eY9LDsW/

Panayam sa bikitma: https://www.facebook.com/share/v/14n1G28YPNH/

11/07/2026

LIVE| PILA KA MGA ALAGANG KASAPATAN SA SITIO TAKAS, BRIONES DO TINAKAW IT MGA WA PA MAKILAN-AN NGA MANAKAW

TRICYCLE NA PINAGTRIPANG PAANDARIN NG ISANG LALAKI, SUMALPOK SA GLASS WALL NG CONVENIENCE STORE SA KALIBO(Kalibo, Aklan)...
10/07/2026

TRICYCLE NA PINAGTRIPANG PAANDARIN NG ISANG LALAKI, SUMALPOK SA GLASS WALL NG CONVENIENCE STORE SA KALIBO

(Kalibo, Aklan)— Basag ang salamin ng isang Convenience Store sa Roxas Avenue, Barangay Poblacion, Kalibo matapos salpukin ng tricycle madaling-araw ngayong Sabado, Hulyo 11.

Batay sa ulat ng Kalibo Municipal Police Station, natanggap nila ang report bandang alas-2:50 ng madaling-araw hinggil sa insidente.

Agad namang rumesponde ang mga pulis upang beripikahin ang pangyayari.

Sa imbestigasyon, lumabas na ang pampasaherong tricycle ay ipinarada ng 48-anyos na drayber sa gilid ng convenience store habang siya ay pumasok upang magpa cash-in. Ayon sa ulat, naiwan umano nito ang susi sa traysikel.

Habang nasa loob ng establisimyento ang may-ari, umano'y sumakay sa tricycle ang isang lalaki na nakilala lamang sa pangalang John Paul o alyas “Apa” at pinaandar ang .

Gayunman, nawalan umano ito ng kontrol matapos biglang umarangkada ang tricycle at tuluyang bumangga sa glass wall ng tindahan.

Dahil sa lakas ng pahkabangga, nabasag ang malaking bahagi ng glass wall ng convenience store. Hindi pa tinutukoy ng pamunuan ng establisimyento ang kabuuang halaga ng pinsalang.

Matapos ang pangyayari, agad umanong tumakas ang suspek at naglakad patungo sa hindi pa matukoy na direksyon bago dumating ang mga awtoridad.

Dinala naman ng mga pulis ang tricycle sa himpilan ng Kalibo Municipal Police Station para sa dokumentasyon at safekeeping habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang matunton ang kinaroroonan ng suspek at matukoy ang posibleng mga kasong isasampa laban dito.

10/07/2026

07-11-26 ENERGY WEEKEND EXPRESS
with DJ YEEMA

Give us strength to face every challenge, wisdom to make the right decisions, and heart filled with love and kindness. K...
10/07/2026

Give us strength to face every challenge, wisdom to make the right decisions, and heart filled with love and kindness. Keep us safe and let your peace be with us always. Amen🙏

Kumpiskado ang mahigit P1,000 na perang kinita ng isang babae kasabay ng pagkaka aresto sa kanya dahil sa illegal number...
10/07/2026

Kumpiskado ang mahigit P1,000 na perang kinita ng isang babae kasabay ng pagkaka aresto sa kanya dahil sa illegal number games o bookies.

Sa ikinasang entrapment operation ng Aklan Provincial Intelligence Unit at New Washington PNP, naaresto alas-4:50 kaninang hapon, Hulyo 10 sa Tambak, New Washington ang 34-anyos na babae, residente ng nasabing lugar.

Kasunod nito, pansamantala siyang ikinostodiya sa New Washington PNP station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 9287 o batas na nagpapabigat sa parusa laban sa Ilegal Gambling Law (PD 1602).

Samantala, kasama rin sa kabuuang P1,197.00 na bet money, kinumpiska rin ang mga kotejo ng babae, 2 ballpen, at pouch maging ang P100.00 bill na marked money.

Address

Media Z Network Management And Marketing 3rd Floor ACP Center Bldg. , Roxas Avenue Corner Acevedo St.
Kalibo
5600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Energy FM 107.7 Kalibo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Energy FM 107.7 Kalibo:

Shortcuts

Share

Category