
14/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa araw ng Agosto 14, 2025 ang College of Entrepreneurship, Tourism Management and Hospitality Management ay naghandog ng pagdiriwang para sa Linggo ng Wika kasabay ang oryentasyon para sa mga mag-aaral sa unang taon, transferee at shifters na ginanap sa Kalinga State University Amphitheater na pinangunahan nina Ginoong Eldie Malodrigo at Ginang Josie Lutoc bilang punong tagapagpadaloy gamit ang temang, "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".
Sa pagbubukas ng seremonya, nagbigay ng mensahe ang Dekana ng CETHM na si Ginang Karen Razelle Duyan kung saan ay ipinagdiin niya ang paggunita sa isa sa mga yaman ng bansaโang wika. Kaniya ring ipinahiwating na hindi lamang tagalog ang pagbutihin at pagyamanin, kasama rin ang lahat ng katutubong wika. Ipinahayag din niya ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at kaniyang pinaalala ang iniwang salita ni Jose Rizal na "Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda". Dahil dito, ay kaniyang hinhikayat na mula sa araw na ito na huwag matakot sa paggamit ng wika, mahalin ang bawat titig, bawat salita at bawat bigkas at marapat lamang na ipagmalaki ito hindi lamang sa paaralan kun'di sa tahanan at sa komunidad. At sa kaniyang pagpapaalam sa entablado, kaniyang iniwan ang mga katagang "Mabuhay ang wikang katutubo, mabuhay tayong lahat."
Sa pagpapatuloy ng programa ay nagpakitang gilas ang mga mag-aaral na hawak ni Ginoong Rexon Gaston sa programang Bachelor of Science in Hospitality Management (BSHM), Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM) at Bachelor of Science in Entrepreneurship (BS ENTREP) sa unang taon gamit ang kanilang talento sa pag-awit at pagtugtug ng mga instrumento. Kanila ring ipinamalas ang kagandahan ng tradisyonal na pananamit sa pamamagitan ng pagsusuot ng baro't saya at barong tagalog na may halong katutubong disenyo ng Kalinga.
Sa karagdagan, sina Ginoong Daniel Pannogan, Ginang Sonia Belinan at Ginang Brisel Wacdagan ay ipinaliwanag ang: tuntunin at patakaran sa paaralan, sistema sa pagmarka ng grado, at pagpapanatili ng kalinisan gamit ang 5S (Sort, Set and Order, Shine, Standardized, Sustain)โayon sa pagkakabanggit. Sinabayan ito ng pagbibigay ng mga trivia questions at cuopon points na nagbigay buhay sa programa at karagdagang kaalaman. Bago pa man din bigyang tuldok ang talakayan ay muling nagbigay ng huling paalala ang Dakena ng CETHM na si Gng. Duyan, tungkol sa dapat at hindi dapat na kaugalian ng isang mag-aaral bilang payo na magagamit nila sa kanilang kinabukasan.
Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay ng parangal ang mga g**o na sa mga mag-aaral na may kalugud-lugud na pananamit kung saan may 25 na napili na nanguna sa paghikayat ng sayaw kasama si Ginoong Gaston sa mga mag-aaral at g**o. Natapos ang programa matapos ang masidhing pagpili ng 12 na kagandahan at matitipunong mag-aaral na pinagbibidahan nina:
Lyka Dapiawen BSHM-1A
Guerzon Caesar D. Balawag BSHM-1A
Charlie Lumapag BSHM-1B
Ira Agurin BSHM-1B
Sofronio Granel BSHM-1B
Jolyn A. Tawagon BSTM-1A
Laureen Faith B. Lumbag BSTM-1A
Jim Ivan Dinoc BSTM 1B
Jhay Mark Daogas D BSTM-1B
Priam Rondelle C. Balao-as BS ENTREP-1A
Emmalyn Bayoot BS ENTREP-1A
Jerico B. Lapada BS ENTREP-1A
Muli, para sa mag-aaral ng unang taon, transferee at shiftersโikinagagalak namin kayong makasama at maligayang Lingo ng Wika!๐ต๐ญ๐
โ๏ธ: Charmane Lyra Tabligan
๐จ&๐ท: Duanne Angeles & Jay Balao-as