10/07/2025
Bakit nga ba takot tayo sa hindi natin alam? Simple lang. Kasi wala tayong kontrol. Wala tayong kasiguraduhan. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin. Hindi natin alam kung may kapalit ba ang effort natin. Hindi natin alam kung masasaktan ba tayo o kung may mababago ba talaga.
At dahil hindi natin alam, ang dali sumuko. Ang dali umatras. Ang dali gumawa ng dahilan para hindi na lang ituloy.
Pero eto ang isang bagay na hindi lahat naiintindihan. Lahat ng bagay na maganda, nagsisimula sa wala pang kasiguraduhan. Lahat ng taong nagtagumpay, dumaan sa punto na takot din sila. Pero hindi sila huminto. Hindi sila nagpatinag.
Ang solusyon? Harapin mo nang buo ang takot mo. Aminin mo muna na natatakot ka. Walang masama doon. Pero habang inaalala mo ang takot, sabayan mo ng tanong,
"PAANO KUNG ITO PALAGA TALAGA ANG MAKAKAPAG BAGO SA BUHAY KO?"
Hindi mo kailangang hintayin mawala ang takot bago ka mag-decide gumalaw. Gagalaw ka kahit may takot. You will move forward kahit kinakabahan ka. Kasi habang gumagalaw ka, doon mo lang makikita na hindi naman pala ganun kalaki ang kinakatakutan mo.
Fear of the unknown will always be there. Pero ang tanong, ikaw ba ang magpapakain sa takot o ikaw ang kakain ng takot mo?
Hindi mo kailangang siguradong sigurado. Kailangan mo lang maniwala na kahit hindi mo pa alam ang lahat, kaya mong ituloy.