23/07/2025
🔥 How to be a VA/Freelancer? 🔥
Dahil inulan na naman ako ng "how" ito na para isahan. Let me know kung may kulang pa? 😅
Disclaimer. This is based on my experience, observation and learning along the way. 🫶🏻
- Go to youtube/tiktok, marathon ka ng mga vids ng mga nagccontent about freelancing/VA para kahit pano magkaron ka ng konting idea.
- Join VA/Freelancing communities, type nyo lang "Upwork" "Online jobs" "FHMoms", marami ng lalabas na groups dyan. Magbasa-basa ka ng threads, comments and observe lang ano yung mga terms na madalas nababanggit like, "niche" "skills", "clients" "upwork" "olj" "agency" "direct", "connects", etc.
- Know your niche/skills or service na i-ooffer mo. Saan kba may experience? Saan kba may alam? Ano bang hilig mo? San kba interesado? If wala tlga, try mo pag-aralan about General VA
- *example sakin "Admin-VA"
- Required bang mag-enroll sa mga courses/trainings ng mga coach? Depende sayo, kung may budget ka, go! Kung wala nandyan si Mareng Google, Youtube University, Tiktok, Udemy. Pwede kang matuto ng libre basta matiyaga ka.
- Pag may skills kna. Gumawa ka ng mga profiles sa mga freelancing sites like Upwork, Onlinejobs, Linkedin. Gawa kna rin resume/cv, portfolio (optional)
- Once ready na yung mga nasa taas, mag-apply kna. Sa pag-aapply mo bukod sa mga nasa taas, ihanda mo na rin sarili mo sa rejections, sa imposter syndrome, sa feeling "lost" moments. Wag personalin ang bagay-bagay. Dapat malakas loob mo.
- Kelan ko malalaman na pwede na kong mag-apply? Malay ko sayo! Char. Basta alam mo na basic or fundamentals nang inaaral mo push na. Wag mo ng hintaying maging perfect ka or expert bago ka mag-apply. Dahil di mangyayare yun sa kakanood lang. Sa totoong trabaho kna mahahasa.
- Ano po bang niche yung madali lang? Di ko alam sayo. Hindi ko alam kung anong past experiences mo. Hindi ko alam kung anong passion mo or interests ko kaya hindi ko tlga alam sayo. 😅 Magkakaiba tayo ng learning curve. Pwedeng yung madali sayo, mahirap sakin vice versa. For me, walang madali. Lahat mahirap. Just choose your hard.
🔥 Another VA Tips CTTO 🔥
1. Write the reasons why you want to be part of the VA industry keep in a safe place and go back to it when tough gets tougher.
2. Find a niche you are familiar with. For example, galing kang BPO and customer service ang work mo, find a job on that industry then once earning ka na, you can upskill on the niche you are interested in.
3. Create an OPTIMIZED profile on platforms like Linkedin, Upwork, OLJ. Read the job posts posted in there to get familiar on the tools and skills na hinahanap for the niche na napili mo. Operative word being, OPTIMIZED.
4. Test, test and test. Test the Profile if pansinin if not edit it into something na tingin mo mas magging pansinin. Test and try to submit proposals making sure that each cover letter and CV you send is tailor fit on the job post na pinagpapasahan mo.
5. Join social media communities about freelancing but be mindful of what and who you follow. Make sure na they are there to help you and not just to earn from the said "COACHING & MENTORSHIP".
6. Watch Youtube clips for the niche you have chosen and watch tutorials on the basics of the tools needed for the said niche.
7. Rejection is redirection. Wag na wag papanghinaan ng loob dahil nareject ka. In this industry where you can submit as many as you can na application, you can also receive as much rejection. take it with a grain of salt and learn from it.
PS. Do it scared, and wag maiintimidate kung puti or ibang lahi ang kausap mo. As sad as it sound pero kapwa Pinoy lang natin ang mahilig mangkorek ng grammar.
I am rooting for you. Good luck 🦋
Goodluck mga mi! 🫶🏻 Tiyaga lang sa simula, eventually aanihin natin yan. ❤️
CTTO