26/08/2026
Taos-pusong pasasalamat ang Aguinaldo Elementary School sa Zen21 Foods Corporation - Aice Campus Care: Gift Giving for Growth & Learning para sa munting biyaya na ice cream na ipinagkaloob sa mga piling mag-aaral. Ang simpleng handog na ito ay naghatid ng saya, ngiti, at masasayang alaala sa ating mga bata. Tunay na malaking bagay ang inyong kabutihang-loob at malasakit sa kapakanan at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Maraming salamat, Zen21 Foods Corporation at Aice Campus Care, sa patuloy na pagbabahagi at pagsuporta sa mga batang nangangarap at nagsisikap. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong kabutihan upang patuloy ding matutong magbahagi at tumulong ang ating mga mag-aaral.
District Supervisor: Joel O. Peregrino, EdD
School Head: Irene Rivera Geroy, PhD