27/06/2025
7 SUSPEK, NAKUHANAN NG P578K HALAGA NG SHABU, ILEGAL NA ARMAS
Siyam na drug suspescts sa lalawigan ng Cavite ang nakuhanan ng ilegal na drogang nagkakahalaga ng P578,000 at ng ilegal na armas noong June 26 at 27.
Ayon sa Police Regional Office 4A, nahuli si alias "Buknoy" ng mga miyembro ng Bacoor City Drug Enforcement Unit bandang 12:53 am noong Huwebes matapos niyang pagbentahan ang isang undercover agent ng shabung nagkakahalaga ng P45,000 sa Brgy. Zapote 3.
Kumpiskado mula sa kaniya ang paraphernalia na nagkakahalaga ng P340,000 at may bigat na 50 grams.
High value individual ang kinilalang suspek at matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sa Dasmariñas City naman, inaresto ng mga operatiba sina alias "Jeffrey" at alias "Michael" sa isang sting operation sa Brgy H2 bandang 11:20 pm noong Miyerkules.
Sa Tagaytay City, arestado sina "Tisay,” “Johnny,” at “Carmela” matapos nilang pagbentahan ang isang poseur buyer sa Brgy. Tolentino East bandang 12:01 pm noong Miyerkules.
Street level pushers ang mga suspek na may 11 sachets nagkakahalaga ng P102,000.
Sa Indang naman, arestado ang isang "Teody" bandang 3:00 am noong Huwebes sa isang buy bust op sa Brgy Harasan.
Kumpiskado mula sa kanya ang isang .22 magnum revolver at shabung nagkakahalaga ng P1,020.
Lahat ng mga suspek ay kasalukuyang haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Source: Inquirer