14/10/2023
𝟭𝟵𝟮 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗪𝗔𝗟𝗞 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔𝗡𝗧 𝗦𝗜𝗚𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗞𝗜𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡
KIANGAN, IFUGAO - Umabot sa 192 katao sa bayan ng Kiangan ang nakilahok sa ginawang Unity Walk at Peace covenant signing na ginanap noong Biyernes ng umaga, ika-13 ng Oktubre 2023.
Nagsimula ang unity walk sa Kiangan Municipal Open Gym patungong Guinid COMPAC papuntang Kiangan Multipurpose Cooperative patungong Dait's Junction at pababa sa BFP building pabalik sa Muncipal Open Gym kung saan isinagawa ang maikling programa na pinangunahan ng Kiangan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Brenda B. Sumawang.
Nagkaroon ng interfaith prayer rally, integrity pledge, at peace covenant signing kung saan bawat kandidato kabilang dito ang mga kinauukulang ahensya ay lumagda sa nasabing peace covenant para sa mapayapang halalan.
Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ay ang PNP, DILG, COMELEC, BFP, BJMP, AFP, CSOs, lokal na opisyal at mga empleyado ng munisipyo, at religious sektor.
Dumalo din sa nasabing aktibidad ang Alkalde ng Kiangan na si Atty. Raldis Andrei A. Bulayungan, Police Lieutenant Melchor J Pascua, Hepe ng Ifugao Provincial Community Affairs and Development Unit, at si Captain Inocencio Quiming ng 54th Infantry Battalion, 5th Infantry Division ng Philippine Army.
📷 Photo Credit: Kiangan MPS