25/11/2021
WARNING: This video contains strong language that may be unsuitable for younger audiences. Viewer discretion advised.
TIMRA: Apat na sasakyan nasangkot sa vehicular crash sa kahabaan ng Km. 6, Mawab, Davao de Oro kaninang pasado alas 12 ng tanghali.
Sangkot sa aksidente ang isang Trailer truck at 10 Wheeler truck na parehong papuntang Tagum City; Mitsubishi pick-up sa Nabunturan at Transformer multicab van type na patungong Mawab.
Ayon sa mga nakasaksi, humarorot ang trak dahil sa dulas ng kalsada dahilan para mabangga nito ang mga sasakyan.
Dinala sa pagamutan ang dalawang sugatan.
Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente.
Video: Kim egyll floro loyloy