26/07/2025
IIlegal mining sa Columbio, Sultan Kudarat pinatigil
Magkatuwang na sinimulan na ng mga opisyal ng ibaโt-ibang ahensya ng pamahalaan ang masigasig na kampanya laban sa illegal, small-scale gold mining sa Central Mindanao.
Sa ulat nitong Sabado ng tanggapan ng abugadong si Felix Alicer, regional executive director ng Department of Environment and Natural Resources 12, at ng mga opisyal ng Police Regional Office-12, o PRO-12, nakumpiska, sa kanilang inisyal na operation nitong July 17, 2025, ang mga gamit sa illegal na pagmimina ng ginto sa Sitio Datal Saub sa Barangay Datal Blao sa Columbio, Sultan Kudarat.
Ayon sa mga officials DENR-12 at PRO-12, suportado ng administrasyon ni Sultan Kudarat Gov. Pax Mangudadatu ang naturang initial na crackdown laban sa illegal mining operations sa bayan ng Columbio.
Sa pahayag ni Alicer at mga provincial officials, ang naturang anti-illegal mining operation ay magkatuwang na isinagawa ng mga kawani ng DENR-12, ng Mines and Geosciences Bureau 12, ng Environmental Management Bureau 12, ng mga kinatawan ng Sultan Kudarat provincial government at mga tropa ng PRO-12 at ng 39th Infantry Battalion.
Nakumpiska sa anti-illegal mining operations sa Sitio Datal Saub sa Barangay Datal Blao ang ilang mga gamit sa pagmimina ng ginto, kabilang na ang mga hydraulic hoses na natagpuan ng inter-agency raiding teams sa makeshift mining shelters sa naturang lugar.
Ayon sa mga opisyal ng MGB-12, ng EMB-12 at ng PRO-12 ang naturang anti-illegal mining operation ay batay sa mga reklamo ng local sectors na naging marumi na, labis na polluted na at naging kulay putik na ang tubig sa Dalol River sa Columbio dahil doon naaanod ang mga mining wastes mula sa mga small, illegal mining sites sa Sitio Datal Saub sa Barangay Datal Blao.
Ang anti-illegal mining operation sa Barangay Datal Blao ay isinagawa matapos ma-organisa bago lang ang mga kinauukulan sa Central Mindanao ng isang inter-agency, multi-sector regional anti-illegal mining task force, pinamumunuan nila Alicer at mga senior officials ng MGB-12, ng EMB-12, ng mga representatibo ng apat na provincial governors sa Region 12, ng PRO-12 at mga units ng Western Mindanao Command at Eastern Mindanao Command ng Armed Forces. (July 26, 2025)