07/11/2025
Issues at Concerns ng RDC-12 na ipaparating sa National Government,tinalakay sa zoom coordination meeting
CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza bilang Chairperson ng Regional Development Council (RDC) ng SOCCSKSARGEN ang idinaos na zoom coordination meeting.
Layunin nitong mapag-usapan ang iba’t ibang issues at concerns sa rehiyon na ipaparating sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa kaukulang aksyon.
Parte ng diskusyon ang mga hamong hinaharap sa pagpapaunlad ng rehiyon pati na ang ongoing high-impact Programs, Projects and Activities (PPAs) at ang mga plano o hakbang na gagawin upang matiyak ang napapanahong pagsasakatuparan nito.
Sinuri at tiningnan din ng konseho ang estado ng implementasyon ng mga Infrastructure Flagship Projects (IFPs), partikular na ang mga proyektong nangangailangan ng karagdagang pondo o policy support mula sa national government.
Naging daan din ang nasabing pulong upang maipaabot ng mga local government units ang kanilang mga alalahanin na nais na mapabilang sa consolidated list na i-endorso sa Pangulo sa itatakdang pulong kasama ang RDC 12.
Ang nasabing coordination meeting ay nilahukan ng mga kinatawan ng sumusunod na national at regional line agencies, government offices at local government units: Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Ports Authority-SOCCSKSARGEN PMO, Bureau of Customs (BOC)-Subport of General Santos, Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) XII, National Housing Authority (NHA) XII, National Electrification Administration (NEA), South Cotabato II Electric Cooperative, Inc. (SOCOTECO II), MinDA, DILG XII, DENR XII, DENR_River Basin Control Office (RBCO), DPWH XII, DPWH-Unified Project Management Office-Flood Management Cluster, DA XII, NIA XII, DOH XII, Provincial Governments of Cotabato, Sarangani, South Cotabato, and Sultan Kudarat, City Governments of General Santos and Kidapawan. Dumalo rin si Pikit Mayor Muhyryn D. Sultan-Casi at si Cotabato Provincial Legal Officer John Haye Deluvio.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT-NOV 8,2025)