17/08/2026
ISANG lalaki ang nasawi habang isa pa ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril na parehong nag-ugat sa inuman sa Rizal nitong weekend.
Sa Tanay, nasawi si “Edwin” matapos saksakin ni “Marlon” dakong alas-11:30 ng gabi noong Agosto 15 sa Barangay Cuyambay.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkainuman. Isinugod si Edwin sa Army Station Hospital sa Sampaloc ngunit idineklarang dead on arrival.
Tumakas naman si Marlon na dala ang patalim.Samantala, nauwi rin sa pamamaril ang isang inuman sa Barangay Rizal, Baras.Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng pagtatalo matapos maging maingay si “Christian.” Kumuha umano ng baril si “Ricky” mula sa sling bag at dalawang beses itong pumutok.
Tumama sa sahig ang unang bala habang tinamaan naman sa binti si Christian ng ikalawa. Isinugod siya sa Amang Hospital para gamutin.Tumakas si Ricky at patuloy na hinahanap ng pulisya.Patuloy ang imbestigasyon sa dalawang insidente.