DXCM AM RADYO UKAY

DXCM AM RADYO UKAY Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DXCM AM RADYO UKAY, Media, ELA BUILDING QUEZON Boulevard, Kidapawan.

Feeding program, higit 400 katao nabusog, nasiyahanMahigit 400 na mga residente ng Barangay Liberty sa Tampakan, South C...
04/10/2025

Feeding program, higit 400 katao nabusog, nasiyahan

Mahigit 400 na mga residente ng Barangay Liberty sa Tampakan, South Cotabato ang naka-benepisyo sa isang feeding activity na magkatuwang na isinagawa ng mga community leaders at mga kawani ng isang pribadong kumpanya nitong September 19.

Iniulat nitong Sabado, October 4, ng mga barangay officials ng Liberty, kabilang ang kanilang chairman na si Noli Jalagat, na magkatuwang ang kanilang barangay government at ang Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, sa pagsagawa ng naturang feeding activity para sa mga bata, mga buntis at mga senior citizens.

Ayon kay Jalagat ang feeding activity ay isa sa mga highlights ng kanilang Maskalaya Festival nitong September 19.

Ayon kay Jalagat, ang kanilang taunang Maskalaya Festival sa Barangay Liberty ay naglalayong maging malapit sa isa’t-isa at magtulungan sa mga community peace and development initiatives ang mga etnikong Blaan at mga non-Blaan settler communities sa lahat ng lugar na sakop ng kanilang barangay government.

“Salamat sa Sagittarius Mines Incorporated sa kanilang pakikiisa sa aming selebrasyon. Ito ay patunay na hindi lamang sila kaagapay sa pagpapaunlad ng ating barangay kundi katuwang din sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan,” pahayag ni Jalagat.

Ayon kay Jalagat at mga municipal officials sa Tampakan, ang SMI ay may malawak at extensibong mga humanitarian projects sa lahat ng mga barangay sa kanilang bayan.

Nagtutulungan ang SMI, mga municipal at barangay officials at mga Blaan tribal leaders sa pagpapatupad ng naturang mga community service activities, ayon kay Jalagat at iba pang mga community leaders sa Barangay Liberty. (October 4, 2025, South Cotabato, Region 12)

Shabu dealer patay, kasama arestado sa PDEA-12 operationPatay ang isang drug dealer ng mauwi sa engkuwentro ang ikinasan...
04/10/2025

Shabu dealer patay, kasama arestado sa PDEA-12 operation

Patay ang isang drug dealer ng mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga anti-narcotics operatives, habang isa pa nitong kasabwat ang naaresto sa Koronadal City, South Cotabato nitong Miyerkules, October 1.

Sa ulat, kinilala ng mga awtoridad ang napaslang na si Joemar Casuacillo habang ang naaresto ay si Demver Dela Cruz.

Ayon sa mga miyembro ng multi-sector South Cotabato Provincial Peace and Order Council nitong Biyernes, napilitang makipagpalitan ng putok ang mga ahente Philippine Drug Enforcement Agency-12 kay Casuacillo nang mauna siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga poseur-buyers nang makatunog na mga PDEA agents ang kanilang ka-transaksyon at nabentahan ng nasa P102,000 na halaga ng shabu sa Barangay Mabini, Koronadal City.

Sinabi ng Koronadal City officials na si Casuacillo, isang large-scale shabu at ma*****na peddler, ay agad nasawi sa shootout dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Ayon naman sa mga barangay officials sa Mabini na tumulong upang maisagawa ang operasyon na nadakip din ang kasama ni Casuacillo na si Dela Cruz kasunod ng barilan.

Bukod sa 15 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P102,000, nasamsam din ng mga PDEA-12 agents ang .45 caliber pistol, at fragmentation gr***de sa loob ng sling bag ng napatay na suspek.

Sinabi ni Benjamin Recites III, director of PDEA-12, na sasampahan nila ng kaso si Dela Cruz na kasalukuyang nakapiit dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (October 4, 2025)

Drug dealer na-entrap sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte Isang 37-anyos na lalaking shabu dealer and nalambat n...
02/10/2025

Drug dealer na-entrap sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

Isang 37-anyos na lalaking shabu dealer and nalambat ng mga pulis sa Barangay Tamontaka sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Huwebes, October 2, sa isang anti-narcotics operations na suportado ng mga municipal at barangay officials.

Sa ulat nitong Biyernes ng mga senior members ng Datu Odin Sinsuat Municipal Peace and Order Council, nakakulong na ang suspect, si Shariff Baddal Wahab, residente ng Barangay Gang sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa mga municipal officials, agad na inaresto ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station si Wahab matapos magbenta ng P68,000 na halaga ng shabu sa mga anti-narcotics agents ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes nila Madin na hepe ng Datu Odin MPS at ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, gagamiting ebidensya sa paglilitis sa suspect sa korte ang 10 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P68,000, na nakumpiska mula sa kanya.

Ayon kina Madin at De Guzman, naikasa ang naturang entrapment operation sa tulong ng mga local officials at mga traditional Moro leaders, kabilang sa kanila si Datu Odin Sinsuat Vice Mayor Bobsteel Sinsuat.

Si Sinsuat at ang kanilang mayor, si Abdulmain Abas, parehong nahalal sa puwesto nito lang May 12, 2025, ay parehong popular na sa kanilang masigasig na kampanya laban sa illegal na droga sa lahat ng mga barangay sa Datu Odin Sinsuat.

Mahigit 10 na na mga bigtime na dealers ng shabu at ma*****na ang nalambat ng mga pulis sa Datu Odin Sinsuat nitong nakalipas na apat na buwan sa mga entrapment operations na nailatag sa tulong ng bagong halal na mayor at vice mayor ng naturang bayan. (October 3, 2025, Maguindanao del Norte, Bangsamoro Region)

BARMM communities mourn demise of regional speakerCOTABATO CITY (September 2, 2025) --- The Philippine flag and the Bang...
02/10/2025

BARMM communities mourn demise of regional speaker

COTABATO CITY (September 2, 2025) --- The Philippine flag and the Bangsamoro banner are both raised half-mast in the Bangsamoro capitol in honor of the speaker of the 80-seat regional parliament who died from an illness early Thursday, October 2.

Members of the regional lawmaking body and the chief minister of the Bangsamoro region, Abdulrauf Macacua, told reporters on Thursday morning that the 85-year-old Pangalian Ali Balindong, a lawyer, died from an illness at the St. Luke’s Hospital in Quezon City.

“We are saddened by the demise of the speaker of our regional parliament,” Bangsamoro Labor and Employment Minister Muslimin Sema, chairman of the Moro National Liberation Front, said.

Balindong was a scion of a large, politically-influential clan whose members are scattered in Malabang and in nearby towns in the second district in Lanao del Sur, one of the five provinces of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. His ancestors fought the Spaniards, the Americans and the Japanese during World War II.

Balindong, born on January 1, 1940 in what is now Pualas municipality in Lanao del Sur, finished bachelor of laws at the Manuel L. Quezon University and passed the Bar in 1967.

Balindong was a legal counsel of the MNLF during the crafting of the December 23, 1976 Tripoli Agreement between the front and the Philippine government.

The compact was to become the main reference in the peace talks between the government and the MNLF and, subsequently, between the government and the Moro Islamic Liberation Front. Both fronts had forged separate peace agreements with the national government and are now together managing several agencies in the BARMM government and have representatives in the region’s parliament.

“We ought to thank him (Balindong) a lot for his contributions to the Mindanao peace process,” BARMM’s health minister, the physician-ophthalmologist Kadil Sinolinding, Jr., who is also a member of the BARMM parliament, said.

Balindong had served, during the early 1990s, as speaker of the Regional Assembly of the now defunct Autonomous Region in Muslim Mindanao., which was replaced in 2019 with a more empowered BARMM, a product of 22 years of peace talks between the national government and the M**F.

He was also thrice elected as congressional representative of the 2nd district of Lanao del Sur, prior to his appointment as member of the interim Bangsamoro parliament in 2019.

“His involvement in the Mindanao peace process is one for the books,” Macacua, the figurehead of the BARMM parliament, said, referring to Balindong.

A member of the BARMM parliament, Naguib Sinarimbo, also a lawyer, said they are saddened by the death of Balindong.

“Speaker Balindong was a staunch supporter of the Mindanao peace process, both in his private life and as a public servant,” said Sinarimbo, who was Bangsamoro local government minister before he was appointed as member of the regional parliament last March by President Ferdinand Marcos, Jr.

Balindong was also popular for his being close too with BARMM's Christian and non-Moro indigenous communities.

Photo shows Balindong, who succumbed to an illness at a hospital on Thursday.

SEAL Award for BARMM LGUs, service groups setLocal executives were elated with the enactment into law by the Bangsamoro ...
01/10/2025

SEAL Award for BARMM LGUs, service groups set

Local executives were elated with the enactment into law by the Bangsamoro parliament of the yearly grant of the Salamat Excellence Award for Leadership, along with a P20 million incentive, to performing local government units and private service-oriented groups.

The Salamat Excellence Leadership Award (SEAL) was named after Salamat Pendatun Hashim, founder of the Moro Islamic Liberation Front, whose 2014 peace compact with the national government, a product of 22 years of peace talks, led to the creation in 2019 of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, replacing the then 27-year less empowered Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Members of the 80-seat Bangsamoro regional parliament told reporters on Monday, September 29, that the grant of the SEAL Award to deserving nominees shall be a yearly activity of the BARMM government, which covers five provinces and three cities.

The SEAL Act of 2025 bill was approved during final deliberations by the parliament last week, according to members of the region's lawmaking body.

The SEAL Act of 2025 was authored by the lawyer Naguib Sinarimbo, who had served as BARMM's local government minister before he was appointed as member of the regional parliament last March by President Ferdinand Marcos, Jr.

Two provincial governors in BARMM, Tucao Ong Mastura of Maguindanao del Norte and Ali Omar Midtimbang of Maguindanao del Sur, separately told reporters on Monday, that they appreciate the BARMM parliament's approval, as regional law, of the yearly grant of a SEAL Award each to selected LGU and private organizations involved in humanitarian and community-empowerment activities.

Hashim, who had studied Islamic theology at the Al-Azhar University in Cairo, Egypt, died from an illness in an M**F enclave in Butig, Lanao del Sur about two decades ago. He helped Nur Misuari organize the Moro National Liberation Front in 1973 and, subsequently, founded the M**F in the early 1980s, which is more religious in character.

In a written statement last week, the office of Sinarimbo explained that the SEAL Award Act of 2025 is also an enabling measure for the BARMM government’s onetime allocation of P500 million endowment fund that the region’s treasury can invest on any Sharia-compliant income- generating venture whose earnings shall be earmarked for the cash incentives for awardee LGUs and private organizations.

Photo shows the regional lawmaker Sinarimbo and BARMM’s capitol in Cotabato City, the seat of the autonomous regional government. (September 30, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)

25 mahirap na Moro may diperensya mga mata, gagamutin Nakatakda ng gagamutin ang 25 na mga mahihirap na mga Moro sa Bara...
01/10/2025

25 mahirap na Moro may diperensya mga mata, gagamutin

Nakatakda ng gagamutin ang 25 na mga mahihirap na mga Moro sa Barangay Gokotan sa bagong tatag na bayan ng Malidegao sa probinsya ng Cotabato na may mga cataract at pterygium ang mata, nasuri ng libre nito lang Martes, September 30, 2025.

Sa ulat nitong Miyerkules nila Malidegao Mayor Arnal Timan at Gokotan Barangay Chairman Jimmy Kusain, maliban pa sa 25 na may mga problema sa mga mata, 211 na iba pa ang nasuri at nabigyan ng mga gamot para kanilang mga karamdaman sa medical mission sa kanilang bayan ng tanggapan ni Bangsamoro Member of Parliament Kadil Monera Sinolinding, Jr. nitong Martes.

Ayon kay Timan, 62 na mga residenteng sakop ng kanilang local government unit ang tumanggap din ng libreng reading eyeglasses mula sa tanggapan ni Sinolinding kaugnay ng kanilang medical mission sa Barangay Gocotan.

Ang Malidegao ay isa sa walong mga bagong tatag na mga bayan sa Special Geographic Area sa nasa Cotabato province sa Region 12, ngunit sakop ng Bangsamoro government.

Si regional lawmaker Sinolinding, isang physician-ophthalmologist na nagpakadalubhasa sa India, ang siya ring health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Suportado ng Ministry of Health-BARMM at ng tanggapan ni BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua at ng mga kawani ng Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato ang medical mission sa Barangay Gocotan.

Ayon kay Timan, mismong si Sinolinding ang magsasagawa ng ophthalmic surgical procedures para 25 na mga residente ng Barangay Gokotan na may mga cataract at pterygium ang mga mata upang manumbalik ang normal nilang mga paningin.

Ang ilan sa naturang 25 eye patients ay umaasa lang sa pagsasaka at mga arawang trabahong maliit lang ang kita, ayon kina Timan at Kusain. Ang ilan sa kanila ay mga senior citizens na na binubuhay ng kanilang mga mahihirap na mga anak, ayon sa dalawang local officials.

Sa tala ng MoH-BARMM at ng mga cause oriented groups na sumusuporta sa mga community service activities ng tanggapan ni Sinolinding, 12,523 katao na sa Special Geographic Area at sa limang iba pang mga probinsya sa autonomous region ang nagamot na sa mga medical missions ng kanyang pangkat mula ng siya ay ma-appoint na member of parliament ni President Ferdinand Marcos, Jr. noong 2022. (October 2, 2025, Bangsamoro Region)

Ugnayan ng MNLF chairman, MNLF leaders sa Cotabato province pinalawig Nagkasundo nitong Sabado, September 27, ang centra...
29/09/2025

Ugnayan ng MNLF chairman, MNLF leaders sa Cotabato province pinalawig

Nagkasundo nitong Sabado, September 27, ang central committee ng Moro National Liberation Front at ang mga MNLF leaders sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato na mas palawigin pa ang kanilang koordinasyon sa pagpapatupad ng municipal peace and security programs bilang suporta sa Mindanao peace process ng Malacañang.

Ang MNLF at ang national government ay may final peace agreement, nilagdaan ng mga negotiators ng magkabilang panig noong September 2, 1996 sa Jakarta, Indonesia.

Dinalaw nitong Sabado ni MNLF Chairman Muslimin Sema, kasalukuyang minister ng Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang pioneer MNLF leaders sa bagong tatag na Kapalawan municipality sa Special Geographic Area at, doon, kanilang pinag-usapan ang mga peace and development issues sa naturang bayan at sa iba pang mga lugar sa probinsya ng Cotabato na may mga residenteng miyembro ng MNLF at ng Moro Islamic Liberation Front.

Sa kanilang meeting nitong Sabado, nagpalitan ng kanilang kanya-kanyang pagtiyak ng kanilang kooperasyon sa mga peace and security initiatives sina Sema at ang pinakamataas na opisyal ng MNLF sa Kapalawan, si Datu Kineg Inalang, na siyang namumuno ng MNLF political committee sa Cotabato province.

Sakop ng Bangsamoro Special Geographic Area ang 63 barangays sa iba’t-ibang bayan sa Cotabato sa Region 12 na pinagsama-sama na sa walong mga bayan --- ang Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasan --- ng Bangsamoro regional parliament nitong nakalipas lang na taon.


Ang Kapalawan ay binubuo ng ilang mga barangay na dating nasa teritoryo ng mga bayan ng Carmen at Kabacan sa Cotabato province na ang gobernadora, si Emmylou Taliño-Mendoza, ay kilalang supporter ng peace efforts ng Malacañang sa mga Moro-dominated areas sa kanilang probinsya.


Si Kineg, isang combatant ng MNLF noong 1970s, at si Sema ay nagkasundo din na tumulong sa mga peace and development initiatives ng tanggapan ni Taliño-Mendoza sa mga lugar sa Cotabato province na may mga residenteng miyembro ng MNLF at ng Moro Islamic Liberation Front.

Suportado ng mga MNLF at M**F leaders sa Cotabato province ang liderato ni Taliño-Mendoza at kanilang ikinampanya ang kanyang kandidatura sa pagka-governor nitong May 12, 2025 elections na ayon sa kanila ay bilang ganti sa kanyang pag se-serbisyo publiko sa mga Moro communities sa ilang mga bayan na sakop ng kanyang administrasyon at sa Special Geographic Area. --- September 29, 2025, Special Geographic Area, Cotabato Province (Handout photo, Bangsamoro Maksud Incorporated)

27/09/2025

World Rabies day
Mayor Pao Evangelista
Kidapawan City

P136K shabu nakumpiska sa barangay councilor Isang 43-anyos na lalaking barangay councilor ang nakumpiskahan ng P136,000...
27/09/2025

P136K shabu nakumpiska sa barangay councilor

Isang 43-anyos na lalaking barangay councilor ang nakumpiskahan ng P136,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Ballak sa island municipality ng Tandubas sa probinsya ng Tawi-Tawi nitong hapon ng Miyerkules, September 24.

Kinumpirma nitong Biyernes, September 26, ng mga municipal officials at mga traditional community leaders sa Tandubas na ang nalambat na si Aldzrin Sulani Koa ay konsehal sa kanilang barangay kung saan siya nalambat at matagal nang sangkot sa pagbebenta ng shabu sa ilang mga kababayan.

Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, agad na inaresto ng kanilang mga agents at ng mga kasapi ng Tandubas Municipal Police Station ang suspect matapos silang bentahan ng shabu sa isang lugar sa Barangay Ballak.

Nakunan si Koa sa naturang entrapment operation ng 20 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P136,000, ayon sa mga municipal officials ng Tandubas.

Ayon kay Castro, naikasa ng kanilang mga agents sa Tawi-Tawi ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga units sa probinsya ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na pinamumunuan ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman.

Pinasalamatan din ni Castro ang mga officials ng Tandubas municipal police force sa pagsuporta sa entrapment operation na nagresulta sa pagkumpiska ng P136,000 na halaga ng shabu sa 43-anyos na suspect na naka-detine na. (September 26, 2025, Tawi-Tawi, Bangsamoro Region

10 Abu Sayyaf supporters sa Sulu, sumuko Nanumpa ng katapatan sa pamahalaan ang 10 na dating mga supporters ng nabuwag n...
27/09/2025

10 Abu Sayyaf supporters sa Sulu, sumuko

Nanumpa ng katapatan sa pamahalaan ang 10 na dating mga supporters ng nabuwag nang Abu Sayyaf sa probinsya ng Sulu matapos isuko ang kanilang mga combat weapons sa pulisya nitong nitong Martes, September 23.

Kinumpirma nitong Biyernes, September 26, ng mga provincial officials sa Sulu at ng Police Regional Office-9 ang paglantad ng 10 na mga dating Abu Sayyaf terror group supporters, mula sa mga bayan ng Tapul, Maimbung, Indanan at Jolo, na nanumpa na igagalang na ang pamahalaan sa isang seremonya Camp Camp Col. Romeo A. Abendan ng PRO-9 sa Barangay Mercedes, Zamboanga City.

Ayon sa mga senior members ng Sulu Provincial Peace and Order Council na pinamumunuan ni Gov. Abdusakar Abubakar Tan, Jr., pumayag ang 10 na mga nagtatagong mga supporters ng nabuwag ng Abu Sayyaf terror group na sumuko sa pakiusap ng mga traditional community leaders at local executives sa probinsya at ng mga officials ng kanilang provincial police force at ng PRO-9.

Nangako ang sumukong mga dating Abu Sayyaf supporters kay Police Brig. Gen. Eleazar Matta, director ng PRO-9, na tutulong sa paghikayat sa ilang pang mga dating nagkakanlong ng mga kasapi ng nabuwag ng Abu Sayyaf na lumantad na rin at magbalik-loob sa pamahalaan.

Kilala ang Sulu na dating kuta ng Abu Sayyaf na lubusang nabuwag tatlong taon na ang nakalipas sa pagtutulungan ng provincial at municipal officials, ng Western Mindanao Command ng militar at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Sakop na ng PRO-9 ang Sulu dahil sa pagkakatangal nito sa core territory ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng Supreme Court nitong nakalipas lang na taon, batay sa petisyon ng noon ay governor ng probinsya, si Hadji Abdusakur Mahail Tan, Sr., ngayon provincial vice governor na ng probinsya.

Ayon kina Matta at sa director ng PRO-BAR, si Brig. Gen. Jaysen De Guzman, malaki ang naitulong ng mag-amang Tan, kasalukuyang governor at vice-governor ng Sulu, sa pagkagupo ng Abu Sayyaf sa pamamagitan ng mga tactical at humanitarian efforts at mga socio-economic at infrastructure projects sa kanilang mga kuta sa ibat-ibang mga bayan sa probinsya. (September 26, 2025, Sulu & Zamboanga City, Region 9)

60 Moro senior citizens nagka-reading glasses ng libre Abot ng 60 na mga residente ng Barangay Nungguan sa Malidegao sa ...
27/09/2025

60 Moro senior citizens nagka-reading glasses ng libre

Abot ng 60 na mga residente ng Barangay Nungguan sa Malidegao sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nabigyan ng libreng mga reading glasses sa panibagong medical mission ng tanggapan ng isang kasapi ng BARMM parliament at mga public service volunteers nitong Huwebes, September 25, 2025.

Sa ulat nitong Biyernes, September 26, ng mga local executives sa Malidegao, isang bagong tatag na municipality sa SGA ng autonomous region sa Cotabato province, 82 na iba pa, kabilang ang mga buntis, mga bata at senior citizens, ang nasuri at nabigyan ng mga gamot para sa ibat-ibang mga karamdaman ng medical mission team ng doctor na si Kadil Sinolinding, Jr., isa sa 80 na mga miyembro ng Bangsamoro parliament at kasalukuyang health minister din ng rehiyon,

Magkatuwang ang tanggapan ni Minister Sinolinding, isang physician-ophthalmologist na nagpakadalubhasa sa India, ang Ministry of Health, ang pribadong Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato at si BARMM Chief Minister sa isinagawang medical mission sa Barangay Nungguan, kung saan may nasuri din na 24 na mga residenteng may mga cataract at pterygium ang mga mata, nakatakda ng sasailalim sa kaukulang medical interventions.

May siyam na iba pang residente ang sasailalim sa X-ray kaugnay ng kanilang mga karamdaman na isasagawa sa isang hospital sa tulong ng naturang medical mission team.

Unang namigay ang naturang grupo ng mga relief supplies at bigas sa 53 na mga pamilya sa Barangay Toreta sa Libungan, Cotabato nitong Miyerkules, September 24.

Nagtulungan ang Rural Health Unit ng Pahamuddin, isa ding BARMM municipality sa SGA, at ang grupo nila Doctor Sinolinding sa naturang relief distribution activity.

Abot ng 53 na pamilyang mahihirap sa Barangay Toreta ang nakabenepisyo sa naturang relief mission, ayon sa mga community leaders ng naturang lugar.

Ilan sa mga nabigyan ng supply na pagkain ang mga buntis. (September 26, 2025, Special Geographic Area, Cotabato Province)

World Rabies DayFree Castration,Deworming and Anti Rabies Office of the City Veteranian Kidapawan City
25/09/2025

World Rabies Day
Free Castration,Deworming and Anti Rabies
Office of the City Veteranian
Kidapawan City

Address

ELA BUILDING QUEZON Boulevard
Kidapawan
9400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXCM AM RADYO UKAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category