Dxnd Radyo Bida 747 Kidapawan City

Dxnd Radyo Bida 747 Kidapawan City There it was inaugurated and blessed on August 22, 1964. The proclamation of Martial Law by President Ferdinand E. DXND was not as lucky.

DXND HISTORY

In 1964, the Oblates put up its second radio station in the then undivided Cotabato P r o v i n c e c a l l e d C o t a b a t o “e m p i r e ”. Originally meant to be a non-commercial campus-based radio station, DXND occupied a section of the elementary training department building at the Notre Dame Colleges, now Notre Dame University, in Cotabato City. DXND was

programmed as a news-and-music station in contrast to its sister station, DXMS, which had a more varied mix of public affairs, magazine and religious programs. Marcos in September 1972 resulted in the closure of all radio stations in the country. Owing to its important role in Central Mindanao, DXMS was allowed to reopen and broadcast the day after it was closed. All its news reports, however, had to be cleared with the military before being aired. Marcos's martial law government issued a policy that no two radio stations of the same network would be allowed to operate in the same locality. It remained closed for two years. In 1973, seeing the need to fill a vacuum in the evangelization thrust of the Church in the newly-established Prelature of Kidapawan, D X N D ' s e q u i p m e n t w a s m o v e d t o Kidapawan. On the birthday of Archbishop Gerard Mongeau, OMI, DD, on February 4, 1974, DXND officially went on air and started broadcast from its new home.

Lalaki, patay sa pananambang sa Pikit, North Cotabato PIKIT, NORTH COTABATO - Patay ang isang 44 anyos na drayber matapo...
10/12/2019

Lalaki, patay sa pananambang sa Pikit, North Cotabato

PIKIT, NORTH COTABATO - Patay ang isang 44 anyos na drayber matapos na pagbabarilin habang sakay ng sasakyan sa Barangay Ginatilan, Pikit North Cotabato alas 5:45 ng hapon kanina.

Kinilala ng Pikit PNP sa pangunguna ni Pikit PNP chief Police Captain Mautin Pangandigan ang biktima na si Fernado Caragos Cordova at nakatira sa Barangay Kolambog, Pikit.

Ayon sa inisyal na ulat ng mga pulis, lulan ng toyota town ace ang biktima na pauwi na sana ng kanilang bahay nang pagsapit sa lugar ay dito na siya pinagbabaril ng di pa kilalang suspek.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo mula sa tama ng bala si Cordova dahilan para agad siyang isugod sa pagamutan pero kalauna'y ideneklarang patay ng mga doktor.

Patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng PNP hinggil sa pinakabagong kaso ng pamamaril sa bayan.

PHOTO IS FOR ILLUSTRATION ONLY!

DepEd hinikayat na gawing simple ngunit makabulohan ang Christmas party ng mga g**o at mag-aaral.KIDAPAWAN CITY-Hinikaya...
10/12/2019

DepEd hinikayat na gawing simple ngunit makabulohan ang Christmas party ng mga g**o at mag-aaral.

KIDAPAWAN CITY-Hinikayat ngayon ni Cotabato at Kidapawan City Schools Division Supt Omar Obas at Romelito Flores ang mga g**o at mag-aaral na gawing simple, hindi magastos ngaunit makabulohan ang mga Christmas party ng bawat paaralan.

Nakasaad sa ibinabang kautosan ng Deped Region 12 na mas mabuting magsagawa nalang ng PASKOMUNIDAD na siyang tema ng kapaskohan ngayong taon ng DepEd.

Mas mabuti anilang kaysa magarbong Christmas party ay dalhin na lamang ito sa komunidad o di kaya'y sa Evacuation lalo pa't apektado ang lahat sa nagdaang mga lindol.

Magandang pagkakataon rin anila itong maka tulong sa mga bata bilang stress debriefing lalong lalo na yaong mga nasa Evacuation center parin hanggang sa ngayon.

Sa Kidapawan City Division ay ang pagpapatayo ng simpleng tirahan ng walong mga g**o ang napagkasunduang gagawin ng mga District Supervisors at Principal.

Tinawag nila itong "Bahay mo, sagot ko."

Nabatid kasi na walong mga g**o ang ngayo'y nakatira rin sa Evacuation center matapos pinadapa ng lindol ang kanilang bahay.

Samantala sa Cotabato Division ay ito rin ang panawagan ni SDS Omar Obas na hindi kailangang magarbo o magastos ang Christmas party.

Dapat aniyang isaalang alang ang sitwasyon at mas mabuting magbigay nalang ng tulong lalong lalo na sa mga mag-aaral na naging biktima ng lindol.

Samantala, bago amg christmas break ay aasahang matatanggap narin ng mga Teaching at non teaching personnel ang 10 thousand pesos na Service Recognition Incentive.

Nabatid na una ng naghpalabas na Executive order si president Duterte na nagbibigays ng dagdag na 10 thousand pesos para sa naturang Incetnive sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa nasabing halaga, 7 thousand pesos ang mula sa Office of the president at ang 3 thousand naman ay mula sa savings ng Department of Education o DepEd.

Dagdag naman ni Supt Obas na posibleng hindi matapos ang pamimigay nito sa loob ng isang araw dahil sa dami ng mga g**o at personnel ng Cotabato Division na umaabot na sa 13 thousand.

PHOTO FOR ILLUSTRATION ONLY

LOOK: Ilang mga bahay sa Barangay Liboo sa Bayan ng Mlang, North Cotabato, pinadapa ng matinding ihip ng hangin alas 5:2...
09/12/2019

LOOK: Ilang mga bahay sa Barangay Liboo sa Bayan ng Mlang, North Cotabato, pinadapa ng matinding ihip ng hangin alas 5:20 ng hapon kahapon.

Photo Courtesy: MDRRM Mlang

Proud pa rin kami sa iyo, Miss Universe Philippines Gazini Ganados!Si Ganados ang pasok sa Top 20 ng Miss Universe 2019....
09/12/2019

Proud pa rin kami sa iyo, Miss Universe Philippines Gazini Ganados!

Si Ganados ang pasok sa Top 20 ng Miss Universe 2019.

PHOTO CTTO.

Pagbebenta ng fireworks pinayagan na ng Kidapawan City GovernmentKIDAPAWAN CITY-NAGSIMULA ng mamigay ng permiso si City ...
09/12/2019

Pagbebenta ng fireworks pinayagan na ng Kidapawan City Government

KIDAPAWAN CITY-NAGSIMULA ng mamigay ng permiso si City Mayor Joseph Evangelista sa mga kasapi ng Kidapawan Fireworks Vendors Association para makapagbenta ng kanilang produkto ngayong Kapaskuhan.

Sa lupang pag-aari ng JS Gaisano sa tapat ng Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral ilalagay ng City LGU ang stalls ng mga magbebenta ng legal na uri ng paputok, ayon pa sa Business Processing and Licensing Office o BPLO ng City Government.

Sinadyang doon muna inilagay ang mga stalls sapagkat nananatiling one way ang tapat ng City Hiwalk na kalimitang lugar na display ng mga paputok dahil na rin sa kinordon ng mga otoridad ang gumuhong Eva's building dala ng malakas na lindol noong October 31, 2019.

Sisimulan ang pagbebenta ng mga regulated na paputok sa December 23 hanggang 31, 2019 sa nabanggit na lugar.

Tulad ng nakagawian na, mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo 15 meters mula sa display, bawal din na subukan o testing ng paputok, pagbenta ng illegal na uri ng paputok, mga lutuan at madaling magliyab na gamit sa mga tindahan, at dapat din na nakabayad ang magbebenta ng kaukulang permits and licenses sa City Government.

Dapat din na panatilihing mapayapa at maayos ang lugar ng bentahan kasi kapag nagkagulo magiging peligroso para sa lahat ang sunog at aksidente.

Una ng dumaan sa seminar ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police para sa maingat na pagbebenta ng paputok ang mga vendors bilang pangunahing rekisito para makapagbenta ng kanilang produkto. (via| Kidapawan City Information Office)

PHOTO FOR ILLUSTRATION ONLY

Mga kabataang sangkot sa grupong Azukarap sa bayan ng Mlang, North Cotabato patuloy na tinututukan ng mga otoridadMLANG,...
09/12/2019

Mga kabataang sangkot sa grupong Azukarap sa bayan ng Mlang, North Cotabato patuloy na tinututukan ng mga otoridad

MLANG, NORTH COTABATO-Patuloy ngayong tinututukan ng mga otoridad sa bayan ng Mlang, North Cotabato ang mga kabataang miyembro ng grupong Azukarap.

Ito ang inihayag ni Mlang Mayor Russel Abonado sa panayam ng Radyo Bida.

Ayon sa alkalde, bagama’t hindi ganoon kadami ang mga miyembro nito, pero ikinaalarma nito ang kaso ng isang 16-anyos na batang babae matapos na mabuntis nang pumasok sa nasabing grupo.

Ikinalungkot ng alkalde ang naging kaso nito dahil hindi alam ng nasabing bata kung sino ang ama ng dinadala nito.

Inihayag din ng alkalde na may mga barangay sa nasabing bayan kung saan patuloy na nang re-recruit ang nabanggit na grupo lalo na sa mga pampublikong paaralan sa Bagontapay, New Rizal, Nueva Vida at Lika.

Ayon pa sa ulat na karamihan aniya sa mga miyembro ng Azukarap sa kanyang bayan ay nasa edad 18-anyos pataas pero nang-eengganyo pa rin ang mga ito ng mga menor de edad.

Kaugnay nito, iniutos na ng alkalde sa pulisya, Rural Health Unit at DSWD ang pagpapalakas pa ng Information Education Campaign ukol sa masamang epekto ng pre-martial s*x lalo na sa mga kabataan.

PHOTO FOR ILLUSTRATION ONLY

20 katao arestado matapos masangkot sa karera ng motorsiklo sa bayan ng TulunanTULUNAN, NORTH COTABATO- Abot sa 20 katao...
09/12/2019

20 katao arestado matapos masangkot sa karera ng motorsiklo sa bayan ng Tulunan

TULUNAN, NORTH COTABATO- Abot sa 20 katao ang naaresto ng Tulunan PNP katuwang ang Highway Patrol Group o HPG matapos na masangkot sa karera ng motorsiklo sa national highway ng Sibsib, Tulunan, North Cotabato nitong Sabado.

Ayon kay Tulunan PNP Chief Police Major Jun Napat, na sa nasabing bilang, walo rito ay mga menor de edad kung saan na-iturn over na ito ng DSWD sa kanilang mga magulang.

Sa ulat, abot naman sa siyam na mga motorsiklo ang nakumpiska ng PNP kung saan karamihan dito ay gumagamit ng modified mufflers at lahat din ng kanilang nakumpiska ay walang mga kaukulang papeles.

Kabilang din sa kanilang narekober ay ang isang unit ng puting Toyota Hi-Ace Van na sinaksayan aniya ng mga parokyanong nakikipagpustahan sa nasabing laro.
Ayon pa kay Napat na madalas itong ginagawa ng mga sangkot dito tuwing hating gabi sa kahabaan ng nasabing highway.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang labindalawang iba pa.

Muli namang umapela ang opisyal sa mga magulang ng mga sangkot sa nasabing aktibidad na bantayang maiigi ang kanilang mga anak lalo’t delikado ang nabanggit na iligal na laro.

PHOTO FOR ILLUSTRATION ONLY.

Babaeng manonood lang sana ng telebisyon patay matapos makuryente sa Kidapawan CityKIDAPAWAN CITY - Patay matapos makury...
09/12/2019

Babaeng manonood lang sana ng telebisyon patay matapos makuryente sa Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY - Patay matapos makuryente at nabagok ang ulo ang isang 42 anyos na babae sa Purok 7, Barangay Nuangan Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Mary Jean Sinco na residente ng naturang lugar.

Ayon sa salaysay ng tiyahin ng biktima, nasa loob ito ng kanyang tent sa labas ng kanilang bahay dahil sa nasira ang kanilang bahay at manonood lang sana ito ng telebisyon ng mahawakan ang alambreng naka konekta sa kanilang extension wire.

Dito na nakuryente ang biktima hanggang sa matumba at nabagok pa ang ulo sa baterya ng sasakyan na nooy malapit lang sa biktima.

Agad na isinugod ng city 911 ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Cadriac Arrest secondary to electrocution ang naging findings ng doktor hinggil sa pagkamatay ng biktima.

PHOTO FOR ILLUSTRATION ONLY!

Bilang ng mga nahuli dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga sa probinsya ng North Cotabato, abot sa halos 300 ayon s...
07/12/2019

Bilang ng mga nahuli dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga sa probinsya ng North Cotabato, abot sa halos 300 ayon sa PNP

NORTH COTABATO - Abot sa 292 mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto sa North Cotabato mula sa 287 mga police operations na isinagawa ng PNP sa iba’t-ibat mga bayan at lungsod sa probinsya.

Ito ang ibinahagi ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO Provincial Director Col. Maximo Layugan sa isinagawang Joint Provincial Peace and Order Council Meeting sa Amas, Kidapawan City kahapon.

Ang nasabing bilang ay pasok mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, mula sa isinagawang anti-illegal drugs operation kung saan karamihan dito ay mula sa mga na-operate ng mga local police stations sa lalawigan.
Habang abot naman sa 287 din ang nasampahan ng kaso ng pulisya.

Dagdag pa sa ulat na sa nasabing operasyon, may kabuuang humigit dalawang daang gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska o may katumbas na halaga na Pph 1, 825, 500 habang mahigit dalawang libong gramo naman ng ma*****na ang kanilang nakuha o may katumbas na halaga na Php 256, 560.

Ang nasabing street value ay nakabatay sa taya ng Dangerous Drugs Board o DDB.

Samantala, magpapatuloy naman ang isasawang monitoring ng PNP upang tuluyan nang matuldukan ang problema sa iligal na droga.

Matatandaang sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency of PDEA 12, abot na sa mahigit 400 mga barangay sa buong probinsya ang ideneklarang ligtas na sa droga.

LOOK: Apat na mga business establishments kabilang ang isang boarding house sa Barangay Poblacion Kabacan, North Cotabat...
06/12/2019

LOOK: Apat na mga business establishments kabilang ang isang boarding house sa Barangay Poblacion Kabacan, North Cotabato tinupok ng apoy.

Ayon kay MDRRM head David Don Saure, nagsimula ang apoy alas 3:00 ng madaling araw kanina at ideneklarang fire out alas 5:00 ngayong umaga.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP- Kabacan sa naturang sunog at inaalam kung magkano ang iniwang danyos.

Photo credits to: Rasty Chavez

Mga negosyante na magpapataas ng presyo lalo na sa mga Noche Buena products sa North Cotabato, sasampahan ng karampatang...
06/12/2019

Mga negosyante na magpapataas ng presyo lalo na sa mga Noche Buena products sa North Cotabato, sasampahan ng karampatang kaso ng DTI

NORTH COTABATO - Patuloy na isinagawa ng Department of Trade and Industry o DTI ang price monitoring lalo na sa mga Noche Buena products sa lahat ng mga tindahan sa North Cotabato.

Ayon sa DTI, may pagtaas ng presyo ang ilang mga Noche Buena products base sa kanilang ipinalabas na bagong Suggested Retail Price o SRP.

Kabilang din sa may nakitang pagtaas ng presyo ang mga Christmas decorations ng mula dalawa hanggang sa labintatlong porsyento kumpara noong nakaraang taon

Sinabi ni DTI Consumer and Protection Division Chief, Ken Wong, lahat ng mga Christmas decoration products sa mga malalaking tindahan ay dumaan at nakapasa sa product standard procedure na ibig sabihin ligtas itong gamitin.

Patunay dito kung may nakalagay na Import Commodity Clearance o ICC mark na tanging ang taga DTI lamang ang nakaka-alam at paglilinaw din niya na kada taon nila sinusuri at pinapalitan.

Dagdag pa niya na kung may mamonitor silang mga negosyante sa lalawigan na nagpapataas ng presyo o lagpas sa itinakdang Suggested Retail Price ay kanilang ipapatawag at maari ring sasampahan ng kaukulang kaso.

Mahigit 400 na mga Barangay sa North Cotabato, drug-cleared na - ayon sa PDEANORTH COTABATO - Abot na sa 411 mga baranga...
06/12/2019

Mahigit 400 na mga Barangay sa North Cotabato, drug-cleared na - ayon sa PDEA

NORTH COTABATO - Abot na sa 411 mga barangay sa probinsya ng North Cotabato ang ideneklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 matapos ang patuloy nilang pagsasagawa ng Barangay Drug Clearing Operation batay na rin sa pinakahuling datus ng ahensiya.

Nabatid na ang North Cotabato ay may kabuuang bilang ng 543 mga barangay kung saan mayroon pang natitirang 132 ang hindi pa rin ligtas sa iligal na droga.

Ayon kay PDEA 12 Public Information Officer Kath Abad, sa nasabing bilang 26 dito ay moderately affected habang 106 namang mga barangay ang slightly affected.

Nakasaad sa Dangerous Drugs Board Regulation No.2 Series of 2016 na ang moderately affected barangays, ay mayroong dalawang porsyentong bilang ng mga user, pusher o financier mula sa 20% ng kabuuang populasyon nito.

Habang ang mga slightly affected barangay naman ay may 2 percent mula sa kabuuang populasyon ang naiulat na mayroong user, pusher o financier.

Samantala dagdag pa ni Abad, sa 17 mga bayan at isang lungsod sa North Cotabato, ang Kidapawan City at Magpet lamang ang ideneklarang drug-free.

Habang sa buong Region 12, abot na sa 895 mga barangay ang deklaradong drug-cleared.

Address

Daang Maharlika
Kidapawan
9400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dxnd Radyo Bida 747 Kidapawan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Dxnd Radyo Bida 747 Kidapawan City:

Share

Category