13/11/2024
Personal na binisita ni Governor LALA TALIΓO-MENDOZA ang Barangay Binoligan, Kidapawan City ngayong araw ng Miyerkules Nobyembre 13, 2024, upang pangunahan ang isang medical-dental mission para sa mga residente. Ayon kay Governor Mendoza, layunin nito na mabigyan ng agaran at kaukulang medikal na interbensyon ang mga nasa barangay upang maagapan ng mas maaga ang mga sakit at hindi mauwi sa malubhang karamdaram.
Kasama sa serbisyong dala ng medical team ang medical check-up, dental services, operation tuli, at pamamahagi ng buntis kits at complementary food packs (CFP) bilang bahagi ng malawakang programang pangkalusugan na itinataguyod ng kapitolyo sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), katuwang ang Rural Health Unit (RHU), Barangay Health Workers (BHWs), at iba pang volunteers.
Nagpahayag naman ng labis na pasasalamat ang mga residente at si Barangay Kapitan Jerold Capunong sa inisyatibo ng gobernadora na malaking tulong para sa mga nangangailangan. Dumalo rin sina city councilors Rosheil S. Gantuangco-Zoreta, Aying Pagal, at Judith Navarra, at si Provincial Advisory Council Member Rene Villarico, na nagpahayag ng kanilang suporta sa patuloy na pagsulong ng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: WMSamillano//
Provincial Government of Cotabato