08/01/2026
Naaresto ang isang bagger sa loob ng mall matapos umanong mandekwat ng isang pakete ng condom sa tindahan. Ayon sa pulisya, inamin ng lalaki na “curious lang daw” siya at hindi pa siya kailanman nakagamit nito, kaya’t kinuha niya ito nang hindi nagbabayad. Nahuli umano siya ng store personnel at agad isinurender sa mga awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon at posibleng kaso.
Paalala lang: normal ang pagiging curious lalo na pagdating sa safe s*x at proteksyon, pero hindi kailanman tama ang pagnanakaw. Mas makabubuti kung pag-usapan nang maayos ang s*x education, at kung kailangan ng condom o anumang health product, dumaan sa tamang paraan—bumili nang legal, responsable, at may respeto sa batas.