100.9 Favorite Radio FM Koronadal

Directions

100.9 Favorite Radio FM Koronadal The official page of ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ.๐Ÿต ๐—™๐—ฎ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—™๐—  ๐—ž๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น. Your premier source for hit music, local news, and community stories in South Cotabato.
(1)

Tune in and make us your favorite!

07/07/2026

โ€˜MAY SINUSUNDAN KA BANG SCRIPT?โ€™

Nagkaroon ng tensyon sa impeachment trial ni matapos kwestiyunin ni defense counsel Carlo Narvasa ang isang testigo habang tinatalakay ang Article IV ng articles of impeachment.

Inalmahan naman ni prosecution counsel Amando Ligutan ang pahayag na, "Are you following a script?", at iginiit na hindi ito angkop sa takbo ng paglilitis.

Nagpatuloy ang pagdinig matapos ang naging pagtutol ng prosekusyon at pag-aksyon ng impeachment court sa isyu.

07/07/2026

PIA KAY RISA: โ€˜NA-SHORTCUT ANG PROSESOโ€™

Umalma si Senator-Judge sa naging tanong ni Senator-Judge sa panig ng prosekusyon, na ayon sa kanya ay nauwi na sa tila closing argument sa gitna ng impeachment trial.

Ayon kay Cayetano, maaaring na-shortcut ang tamang proseso ng paglilitis dahil sa naging takbo ng pagtatanong at pagsagot.

Sa huli, ipinag-utos na alisin sa opisyal na records ng impeachment court ang sagot ng prosekusyon sa tanong ni Hontiveros.

KINUWESTYON SA KORTE SUPREMA ANG PAGIGING PRESIDING OFFICER NI ESCUDEROKinuwestyon nina Atty. Esraelito Torreon at iba p...
07/07/2026

KINUWESTYON SA KORTE SUPREMA ANG PAGIGING PRESIDING OFFICER NI ESCUDERO

Kinuwestyon nina Atty. Esraelito Torreon at iba pang mga abogadong kaalyado ng mga Duterte ang awtoridad ni Senador Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte-Carpio.

Sa kanilang 16-page very urgent manifestation with motion na inihain noong Lunes, hiniling nila sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) o status quo ante order upang pansamantalang ipatigil ang impeachment trial.

Ayon sa kanila, maaaring magkaroon ng pagdududa sa legalidad ng proseso dahil sa paghalal kay Escudero bilang presiding officer ng Senate impeachment court.

Si Escudero ay nahalal bilang presiding officer ng impeachment court matapos makakuha ng 12 boto mula sa mga senador.

โ€˜PARANG CLOSING STATEMENT NA โ€˜YANโ€™ โ€” PIA CAYETANONagmosyon si Sen. Pia Cayetano na alisin sa opisyal na rekord ang mga t...
07/07/2026

โ€˜PARANG CLOSING STATEMENT NA โ€˜YANโ€™ โ€” PIA CAYETANO

Nagmosyon si Sen. Pia Cayetano na alisin sa opisyal na rekord ang mga tanong ni Sen. Risa Hontiveros sa prosecution kaugnay ng ikaapat na artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Cayetano, ang mga tanong ni Hontiveros at ang mga naging sagot ng prosecution counsel na si Amando Ligutan ay tila naging closing statement na, sa halip na simpleng paglilinaw.

Binigyang-diin din niya na dapat sundin ang tamang proseso sa paglilitis at hiniling na itama rin siya kung sakaling makapagtanong siya ng hindi naaayon sa tungkulin ng isang senator-judge.

Samantala, nilinaw ni Hontiveros na layunin lamang ng kaniyang mga tanong na maunawaan kung paano mahalaga ang iniharap na ebidensya sa mga alegasyon na nakasaad sa articles of impeachment.

SEALED BOX NG TAX RECORDS NI VP SARA, IBINALIK SA BIRIbinalik nitong Martes, Hulyo 7, 2026, sa Bureau of Internal Revenu...
07/07/2026

SEALED BOX NG TAX RECORDS NI VP SARA, IBINALIK SA BIR

Ibinalik nitong Martes, Hulyo 7, 2026, sa Bureau of Internal Revenue o BIR ang selyadong kahon na umanoโ€™y naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng kautusan ng Senate Impeachment Court sa isinagawang pagdinig kahapon.

Pinangasiwaan ni Senate Secretary at concurrent clerk of court Renato N. Bantug Jr. ang pagbabalik ng mga dokumento sa pamamagitan ng Office of the Sergeant-at-Arms.

Sa ilalim ng police es**rt, dinala ang mga rekord sa tanggapan ng BIR sa Quezon City.

โ€œIN THIS BLOODBATH AND BLUDGEONING, I WILL BE BLOODIED BUT UNBOWEDโ€ โ€” VP SARA Ito ang naging pahayag ni Vice President S...
07/07/2026

โ€œIN THIS BLOODBATH AND BLUDGEONING, I WILL BE BLOODIED BUT UNBOWEDโ€ โ€” VP SARA

Ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa harap ng Senate media sa gitna ng kinakaharap niyang impeachment trial. Sa kanyang maikling mensahe, ipinahiwatig ng Bise Presidente na mananatili siyang matatag at hindi magpapatinag sa kabila ng mga alegasyon at legal na hamon laban sa kanya.

Matapos magsalita, hindi na siya nagbigay ng karagdagang komento o sumagot sa mga tanong ng media.

PRO-DUTERTE GROUPS, NAGSAGAWA NG MOTORCADE BILANG SUPORTA KAY VP SARANagsagawa ng motorcade ang mga grupong sumusuporta ...
07/07/2026

PRO-DUTERTE GROUPS, NAGSAGAWA NG MOTORCADE BILANG SUPORTA KAY VP SARA

Nagsagawa ng motorcade ang mga grupong sumusuporta kay Vice President Sara Duterte sa Mati City, Davao Oriental kahapon, Hulyo 6, kasabay ng pagsisimula ng pormal na impeachment proceedings laban sa kanya sa Senado.

Pinangunahan ng Solid Duterte Supporters Group o SDSG ang aktibidad na nilahukan ng mga tricycle driver at may-ari ng pribadong sasakyan. Bitbit ng mga kalahok ang mga berdeng lobo at banner na may mga mensaheng โ€œNo to Impeachmentโ€ at โ€œInday Sara 2028 for President.โ€

Mapayapang umikot ang convoy sa mga pangunahing kalsada ng lungsod sa tulong ng mga traffic personnel. Ayon sa mga organizer, layunin ng aktibidad na ipakita ang kanilang suporta kay Duterte at manawagan ng pagkakaisa sa gitna ng kinakaharap nitong impeachment proceedings.

Courtesy : Paulo "Kuya Pao" Rabat/Facebook

ARANGKADA BIRADA SA UDTO!Pagsapit ng tanghali, samahan si Bossing Renz sa isang oras ng napapanahong balita, makabuluhan...
07/07/2026

ARANGKADA BIRADA SA UDTO!

Pagsapit ng tanghali, samahan si Bossing Renz sa isang oras ng napapanahong balita, makabuluhang talakayan, at mahahalagang impormasyong dapat mong malaman.

Mula Lunes hanggang Biyernes, 12:00 hanggang 1:00 ng hapon, tumutok sa Arangkada Birada sa Udto, dito lamang sa 100.9 Favorite FM Koronadal.

100.9 Favorite FM Koronadal โ€” Ang inyong katuwang sa mabilis, tapat, at makabuluhang paghahatid ng impormasyon.

โ€œPaano ka makapili sang husto nga tawo kon ang imo tagipusuon yara gihapon sa wala natapos nga gugma?
07/07/2026

โ€œPaano ka makapili sang husto nga tawo kon ang imo tagipusuon yara gihapon sa wala natapos nga gugma?



KORONADAL CITY VET, NAGPAALALA SA MAHIGPIT NA BIOSECURITY LABAN SA ASFPinaalalahanan ng Koronadal City Veterinary Office...
07/07/2026

KORONADAL CITY VET, NAGPAALALA SA MAHIGPIT NA BIOSECURITY LABAN SA ASF

Pinaalalahanan ng Koronadal City Veterinary Office ang lahat ng hog raisers at publiko na mahigpit na sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF.

Kabilang dito ang paglilimita sa pagpasok ng mga tao, sasakyan at kagamitan sa mga babuyan; regular na paglilinis at pag-disinfect ng kulungan, kagamitan at mga sasakyang ginagamit sa pagbiyahe ng baboy; pagbili lamang ng mga baboy mula sa lehitimo at disease-free na sources na may kaukulang veterinary health certificates at transport permits; at mahigpit na pagbabawal sa swill feeding o pagpapakain tira-tirang pagkain na hindi ligtas.

Ipinagbabawal din ang paggalaw, pagbebenta o paglilipat ng mga may sakit o pinaghihinalaang infected na baboy upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Inaanyayahan din ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang kakaibang karamdaman, sintomas o biglaang pagkamatay ng mga baboy.

Address

Gensan Drive, Brgy. Zone 1, Koronadal City, South Cotabato
Koronadal
9506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 100.9 Favorite Radio FM Koronadal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category