DXJL 96.9 Radyo Astig Koronadal

DXJL 96.9 Radyo Astig Koronadal Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. Romans 12:12

  | PAMAMARIL, NAITALA SA BANGA NATIONAL HIGH SCHOOLBANGA, SOUTH COTABATO — Isang insidente ng pamamaril ang naiulat sa ...
18/09/2026

| PAMAMARIL, NAITALA SA BANGA NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGA, SOUTH COTABATO — Isang insidente ng pamamaril ang naiulat sa Banga National High School ngayong Biyernes ng hapon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente, kabilang ang bilang at kalagayan ng mga posibleng nasugatan o nasawi.

Patuloy na mino-monitor ang sitwasyon at magbibigay ng karagdagang impormasyon kapag nakumpirma na ng mga awtoridad.

📷 Bomboradyo Koronadal

“NAUNA PA SI INSAN” | MAGKAKAIBANG PAHAYAG SA IMBESTIGASYON KAY CHIZ ESCUDERO, KINUKUWESTIYONMANILA — Kinukuwestiyon ang...
18/09/2026

“NAUNA PA SI INSAN” | MAGKAKAIBANG PAHAYAG SA IMBESTIGASYON KAY CHIZ ESCUDERO, KINUKUWESTIYON

MANILA — Kinukuwestiyon ang magkakaibang pahayag ng Office of the Ombudsman hinggil sa estado ng imbestigasyon sa reklamong kinakaharap ni Senador Chiz Escudero.

Noong Mayo 21, sinabi umanong nasa preliminary investigation na ang kaso. Mayo 28 naman nang iulat na nakapagsumite na si Escudero ng counter-affidavit. Pagsapit ng Hunyo 29, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na posibleng umabot na sa korte ang kaso sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Gayunman, noong Hulyo 17, sinabi ng Ombudsman na nasa fact-finding stage pa rin ang imbestigasyon. Dahil dito, itinaas ang tanong kung bakit tila bumalik sa naunang yugto ang kaso, at kung ano ang nangyari sa proseso.



17/09/2026

“HINDI MAN LANG NILA TINALAKAY ANG AKING MANIFESTATION” — MARCOLETA

MANILA — Sinabi ni detained Sen. Rodante Marcoleta na nabigo siya dahil hindi pa rin tinatalakay ng Senado ang kanyang manifestation na inihain noong Hulyo 20, kung saan hinihiling niyang makilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte habang nasa kustodiya.

Sa kanyang manifestation, kinuwestiyon din ni Marcoleta ang awtoridad ni Sen. Chiz Escudero na mamuno bilang presiding officer ng Impeachment Court. Hiniling din niya ang pagtalakay sa conviction threshold o bilang ng mga botong kinakailangan para sa isang conviction.

“Kung hindi nila ite-take up ’yon, bakit pa ako makikipag-participate,” pahayag ni Marcoleta.


17/09/2026

| HOUSE PROSECUTOR TERRY RIDON, NAKATANGGAP NG SHOW CAUSE ORDER

MANILA — Kinumpirma ni House Prosecutor Rep. Terry Ridon na natanggap na niya ang show cause order na inilabas ng Senate Impeachment Court kaugnay ng umano’y paglabag niya sa sub judice rule.

Ayon kay Ridon, iginagalang niya ang naging hakbang ng korte at handa siyang ipaliwanag ang kanyang panig. Gayunman, iginiit niyang karapatan ng publiko na malaman ang mahahalagang puntong napag-usapan sa impeachment trial.

Sinabi rin ni Ridon na si Atty. Jay Tolosa ang isa pang miyembro ng prosecution panel na nakatanggap din umano ng show cause order.


BREAKING | KUYA, PINATAY UMANO NG SARILING KAPATID SA ZAMBOANGA CITYZAMBOANGA CITY — Patuloy ang imbestigasyon ng mga aw...
17/09/2026

BREAKING | KUYA, PINATAY UMANO NG SARILING KAPATID SA ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY — Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa isang karumal-dumal na insidente sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City, kung saan isang lalaki ang umano’y pinatay ng sarili niyang kapatid.

Ayon sa paunang impormasyon, nadakip na ang itinuturong suspek. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at iba pang detalye ng insidente.

📷 CTTO

16/09/2026

MALACAÑANG, HINDI MAKIKIALAM SA DESISYON NG SENADO SA IMPEACHMENT NI VP SARA

MANILA — Mariing sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi makikialam ang Malacañang at hindi magbibigay ng opinyon sa magiging desisyon ng Senado kaugnay ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Castro, hahayaan ng Palasyo ang Senado na gawin ang nararapat alinsunod sa proseso, habang umaasa silang mananaig ang hustisya. Binigyang-diin din niya na ang serbisyo ng pamahalaan ay nakatuon sa kapakanan ng bayan.

🎥 RTVM

  | DUTERTE, DUMALO SA STATUS CONFERENCE NG ICCTHE HAGUE, NETHERLANDS — Muling nakita sa publiko si dating Pangulong Rod...
16/09/2026

| DUTERTE, DUMALO SA STATUS CONFERENCE NG ICC

THE HAGUE, NETHERLANDS — Muling nakita sa publiko si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo sa status conference ng International Criminal Court (ICC) ngayong Setyembre 16.

Haharap si Duterte sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya laban sa ilegal na droga. Ayon sa itinakdang iskedyul, nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30, 2026.

📸 Photo Courtesy: Reuters


  | AZCUNA: SENATOR-JUDGE, KASAMA SA BILANGAN NG 2/3 VOTES HABANG MIYEMBRO NG SENADOIginiit ni Ret. Supreme Court Justic...
16/09/2026

| AZCUNA: SENATOR-JUDGE, KASAMA SA BILANGAN NG 2/3 VOTES HABANG MIYEMBRO NG SENADO

Iginiit ni Ret. Supreme Court Justice Adolfo Azcuna na dapat isama sa kabuuang bilang na pagbabatayan ng two-thirds vote ang isang senator-judge hangga’t nananatili itong miyembro ng Senado.

Sa pagtatanong ni Senator-Judge Joel Villanueva, nilinaw ni Azcuna na kahit hindi nakadalo o nakaboto ang isang senator-judge sa buong impeachment trial, mananatili pa rin itong bahagi ng kabuuang bilang ng mga senador na pagbabatayan sa pagkukuwenta ng two-thirds vote


15/09/2026

| 82.41% VOTER TURNOUT SA BARMM POLLS; PBBM, IKINALUNGKOT ANG MGA INSIDENTE NG PAMAMARIL

MANILA — Sa kabila ng ilang insidente ng karahasan at mga nasawi, sinabi ng Malacañang na generally peaceful and orderly ang naging takbo ng unang BARMM parliamentary elections.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, batay sa paunang ulat ng PNP, umabot sa 82.41% ang voter turnout, mas mataas kumpara sa 77.62% noong 2025 elections.

Bagama’t naging maayos sa pangkalahatan ang halalan, ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga insidente ng pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng ilang indibidwal.

🎥 RTVM

15/09/2026

JUST IN | ROBIN PADILLA, NAKATANGGAP NG SUBPOENA SA OBSTRUCTION OF JUSTICE COMPLAINT

MANILA — Kinumpirma ni Senador Robin Padilla na nakatanggap siya ng subpoena mula sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong obstruction of justice.

Ayon sa reklamo, iniimbestigahan ang umano’y pagkilos ni Padilla na maaaring may kaugnayan sa pagtulong kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pagharap sa mga awtoridad o proseso ng batas.

Nilinaw na ang pagtanggap ng subpoena ay hindi nangangahulugang napatunayang nagkasala si Padilla. Bahagi ito ng proseso upang mabigyan siya ng pagkakataong sumagot at marinig ang kanyang panig sa mga alegasyon.


Address

Purok Riverside, Bo. 2
Koronadal
9506

Telephone

+639097184959

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXJL 96.9 Radyo Astig Koronadal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXJL 96.9 Radyo Astig Koronadal:

Share

Category