
08/08/2023
Natagpuan ka sa simula, pero hindi ikaw ang wakas.
Ikaw ang kahapon pero hindi ang bukas.
Ikaw ang pangarap pero siya ang naging katuparan- ng imahinasyon, ng pag-iipon
Para sa planong IKAW at AKO sa takdang panahon.
Ngunit
Naiwan ka sa Kanluran habang ako'y nasa Hilaga.
Nag-iba ang kwento na pareho nating ginawà.
Napunit ang pahinang sana'y IKAW ang paksa.
Lahat ng Sa'yo, sa Kanya ko biglang nakita.
Agosto Otso,
Sa taong ito, mahal.
Pinaghalong saya't panghinayang
Ang baun ko papuntang altar- saya para sa bagong SIYA at panghinayang sa dating IKAW.
Wala na ang tayo dahil ikaw ang bumitaw.
Kaya't sa Kanya ko sinuot ang singsing na dapat sana'y sa daliri mo.
Siya na ang bagong may-ari sa pusong winasak mo.
Siya ang katuparan ng mga pangarap na hinayaan mong kumupas.
Paalam
Dahil natagpuan ka sa simula
Pero hindi ikaw ang aking wakas.
***
SA KANYA KA NATAGPUAN
DJ Makatang Mar