07/10/2026
๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐๐๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ฒ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐จ ๐ง๐ ๐.๐% ๐ง๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐;
๐ฎ๐ซ๐ท ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โฑ157.89๐ฉ
KORONADAL CITY โ Lumago ng 6.6 porsiyento ang ekonomiya ng South Cotabato noong 2025, mula sa 7.0 porsiyento na naitala noong 2024.
Batay sa Provincial Product Accounts 2025 Economic Performance, umabot sa โฑ157.89 bilyon ang Gross Domestic Product o GDP ng lalawigan noong 2025, batay sa constant 2018 prices.
Pinakamalaki ang bahagi ng services sa ekonomiya ng lalawigan na umabot sa 48.8 porsiyento, sinundan ng industry na may 26.5 porsiyento, habang 24.7 porsiyento naman ang agriculture, forestry and fishing.
Sa growth rates ng mga industriya, pinakamalaki ang naitala sa mining and quarrying na 10.7 porsiyento, kasunod ang wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles na 9.8 porsiyento.
Lumago rin ng 9.4 percent ang public administration and defense; compulsory social security, 7.5 porsiyento ang financial and insurance activities, at 7.1 porsiyento ang transportation and storage.
Samantala, 6.9 porsiyento ang paglago ng agriculture, forestry and fishing at 6.0 porsiyento naman sa manufacturing.
Sa mga industriyang may pinakamalaking kontribusyon sa kabuuang economic growth, nanguna ang agriculture, forestry and fishing na may 1.7 percentage points, sinundan ng wholesale and retail trade na 1.6 percentage points, at manufacturing na 1.1 percentage points.
Naitala naman ang โฑ153,739 per capita GDP sa South Cotabato noong 2025.
Ayon sa datos, 27.4 porsiyento ng kabuuang GDP ng SOCCSKSARGEN Region ay nagmula sa South Cotabato.
Sa kabilang banda, ang construction lamang sa mga pangunahing industriyang nakalista ang nakapagtala ng negatibong growth, na bumaba ng 4.4 porsiyento noong 2025.
Ang datos ay bahagi ng Provincial Product Accounts 2025 Economic Performance ng Philippine Statistics Authority, na inilabas noong October 7, 2026.
Like, Follow and Share 90.1 Max FM Koronadal for more updates.