25/11/2025
๐๐๐พ๐ผ๐ | ๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐๐จ๐ฅ๐ง๐๐๐ฅ. ๐ฃ๐ฆ๐๐ฆ-๐ฆ๐ฅ๐ ๐จ๐ก๐๐ฆ๐๐ข, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต ๐ณ๐ผ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ถ
Pinangunahan ng PSHS-SRC UNESCO Student Organization ang pinakaunang beach foresting at mangrove planting initiative sa Sarangani, kung saan dinaluhan ng mahigit 200 na mga iskolar at kawani ng Philippine Science High School - SOCCSKSARGEN Region Campus in Koronadal City (PSHS-SRC) upang magtanim ng 600 mangrove propagules sa naturang lokasyon noong Nobyembre 21.
Ayon kay PSHS-SRC UNESCO President Patrick Yan, ang inisyatibo na pinangalanang Project KaGUBAT ay nagsisilbing plataporma para sa mga estudyante na hindi limitahan ang aktibidad sa loob ng eskwelahan, kundi umaksyon pa โone step furtherโ upang makibahagi sa aktwal na adbokasiya para sa kalikasan.
โIt all boils down to being a Pisay scholar and having to conduct such initiatives while carrying the torch of PSHS...The project showed that students can carry out initiatives with clear intent and without any trace of corruption. If we were able to help the community, society, and the ecosystem simply by planting each seed, then why is it so difficult to uphold the same level of integrity and service in larger projects such as flood mitigation plans?,โ giit ni Yan sa isang panayam.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang PSHS-SRC UNESCO sa Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) Protected Area Management Office (PAMO), at Malapatan Local Government Unit (LGU) upang maisakatuparan ang inisyatibo ng mga iskolar.
Katuwang sa Project KaGUBAT ang Social Science Unit, Biology Unit, Chemistry Unit, at LEAP Program upang mangasiwa sa buong aktibidad at magbigay seguridad sa mga iskolar na dumalo.
Kabilang sa mga kalahok ang mga Grade 10 scholars, ilang Grade 12 students mula sa Biology at Chemistry subjects, Grade 11 students mula sa Agriculture Elective, at mga facilitator mula sa ibaโt ibang grade level na bahagi rin ng PSHS-SRC UNESCO.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng coastal trees sa tabing-dagat, na sinundan ng LGU-supervised mangrove planting at mga gawaing pang-agham na inihanda ng Biology at Chemistry Unit. Itinuro rin sa mga kalahok ang tamang pamamaraan ng pagtatanim ng mangrove propagules upang tumaas ang survival rate ng mga ito.
Bilang bahagi ng proseso upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng aktibidad, nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at PAMO ng oryentaston hinggil sa mga safety protocols.
โ๏ธ Sulat ni: Kristen Julia Pasilan
๐ธ Mga larawan nina/ng: Sumelia Jebulan, Lianne Maya, at DENR