05/01/2026
๐ฆ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ผ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ, โฑ๐ฏ.๐ด๐ต-๐๐ถ๐น๐๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐, ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ก๐ฎ!
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang โฑ3,892,577,987 na badyet para sa 2026, na sumasaklaw sa General Fund at Economic Enterprises.
Binigyang-diin ni Vice Governor Arthur Y. Pingoy, Jr. ang suporta ng SP sa administrasyon ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr., upang maipatupad ang โTama at Maayos na Serbisyoโ sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lehislatibo at ehekutibo.
Ang General Fund ay nasa โฑ3.8 bilyon, habang โฑ27 milyon ang inilaaan para sa economic enterprises. Binawasan ng SP ang iminungkahing โฑ3.9 bilyon ng โฑ21 milyon.
Ani Governor Tamayo, nakatuon ang badyet sa inclusive at balanced development, upang walang sektor ang maiwan sa pag-unlad ng probinsya.
Malaki rin ang pondo para sa health services, kabilang ang provincial hospital at district hospitals sa Norala at Polomolok, at para sa social welfare, engineering, at agricultural programs.
Ang pag-apruba ng ordinance ay nagbibigay ng legal na kapangyarihan sa probinsya na gamitin ang pondo para sa social services, infrastructure, economic growth, at iba pang priority programs.