DXKG 92.5 Radyo Rapido FM Koronadal

DXKG 92.5 Radyo Rapido FM Koronadal DXKG 92.5 Radyo Rapido FM Koronadal, Kanami Gid! 📻

"Construction worker, tiklo sa Drug Buy Bust Operation sa Lungsod ng Koronadal"CITY OF KORONADAL-  Arestado sa ikinasang...
19/05/2026

"Construction worker, tiklo sa Drug Buy Bust Operation sa Lungsod ng Koronadal"

CITY OF KORONADAL- Arestado sa ikinasang Drug Buy bust operation ang isan lalaki matapos positibong mabilhan ng ilegal na shabu pasado alas 9:36 nitong gabi ng martes May 19,2026 sa bahagi ng Purok.Spring 3 ng Brgy.Morales sa Lungsod ng Koronadal.

Kinilala ng Koronadal City PNP ang naarestong suspek kay Jhony Rey Dacumos Rescordado 25 na taong gulang binata isangnConstruction worker at residente ng Purok Spring 3 ng Brgy.Morales sa Lungsod ng Koronadal.

Narekober mula sa suspek isang pakete ng Transparent heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang at isang 500.00 peso bill na may Serial number AE5875462 bilang Marked Money.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 article 2 ng RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nakatakdang isasampa laban sa suspek.

Pansamantalang nakapiit ang naarestong suspek sa Locked Up cell ng Koronadal City PNP para sa kaukulang disposasyon.

📻 92.5 FM
📷 Rapido Nicka Cabillon Pama

"Fruit Vendor patay 1 sugatan matapos araruhin ng Pick-up truck ang isang Fruit Stand sa bayan Tupi"TUPI,SOUTH COTABATO-...
18/05/2026

"Fruit Vendor patay 1 sugatan matapos araruhin ng Pick-up truck ang isang Fruit Stand sa bayan Tupi"

TUPI,SOUTH COTABATO-Dead on Arrival sa bahay pagamutan ang isang 59 anyos na Fruit Vendor habang sugatan naman ang isang 11 na taong gulang na bata matapos araruhin ng isang Puting Pick-up truck ang isang stall ng Fruit Stand pasado 1:00 hapon nitong Lunes May 18, 2026 sa kahabaan ng National Highway ng Brgy.Poblacion sa bayan ng Tupi,South Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima kay alyas "Nanay P" 59 na taong gulang habang patuloy pang ginagamot ang 11 anyos na bata matapos magtapo ng ilang sugat sa katawan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Tupi Municipal Police Station hinggil sa nangyaring aksidente.

Samantalang nasa kustodiya na ng Tupi PNP ang driver ng Puting Pick-up.

📻 92.5 FM
🎤 Rapido Nicka Cabillon Pama
📷 John Rey Refugio

"850 Atleta ng SOCCSKARGEN Warriors tumulak na Agusan para sa Palarong Pambansa 2026"-Tumulak na ang nasa 850 na delegad...
18/05/2026

"850 Atleta ng SOCCSKARGEN Warriors tumulak na Agusan para sa Palarong Pambansa 2026"

-Tumulak na ang nasa 850 na delegado na pambato ng SOCCSKARGEN Warriors o ng SOX12 sa nalalapit na pagmamay-ari ng 2026 Palarong Pambansa na gaganapin sa Probinsya ng Agusan Del Sur.

Sakay ang mga atleta ng mga arkiladong sasakyan ng rehiyon patungo sa bayan ng Rosario,Agusan Del Sur kung saan magsisilbing Billeting Quarter ng mga atleta ang Bayugan 3 National High School at Bonifacio Central Elementary School.

Matatandaang nauna nang binisita at inasikaso ni DepEd12 Regional Director Atty.Alberto Escobarte ang 2 Billeting Quarters upang masiguro na maayos at ligtas ang magiging panuluyan ng mga SOX Warriors.

May 24 araw ng lingggo ay opisyal na magbubukas ang 2026 Palarong Pambansa at Magtatapos sa June 1,2026.

📻 92.5 FM
🎤 Rapido Nicka Cabillon Pama
📷 DepEd12

TINGNAN‼️Bagong State-of-the Art Multipurpose Building ng Brgy.Benitez sa bayan ng Banga, South Cotabato, binuksan na pu...
17/05/2026

TINGNAN‼️Bagong State-of-the Art Multipurpose Building ng Brgy.Benitez sa bayan ng Banga, South Cotabato, binuksan na publiko.

Mismong si Former South Cotabato 2nd District Representative Dr. Peter Bascon Miguel ang nanguna sa isinagawang Inagurasyon at Turn Over Ceremony ng bagong State-of-the Art na Multipurpose Building para sa mga mamamayan ng Brgy. Benitez ng nabanggit na bayan.

Lubos namang nagpapasalamat si Punong Barangay Hon. Anthony Premne at Sangguniang Kabataan Chairman Hon. Robert Lavente kasama ang ilang Brgy. Officials, mga kawani ng BLGU Benitez at mga mamamayan nito kay dating Congressman Dr Peter Bascon Miguel sa proyekto na may malaking tulong sa kanilang nasasakupan.

📻 92.5 FM
🎤 Rapido Nicka Cabillon Pama

TINGNAN‼️ 2 magkaangkas sugatan matapos mag overshoot at bumangga ang isa motorsiklo pasado alas 4:57 hapon nitong lingg...
17/05/2026

TINGNAN‼️ 2 magkaangkas sugatan matapos mag overshoot at bumangga ang isa motorsiklo pasado alas 4:57 hapon nitong linggo May 17,2026 sa kahabaan ng Provincial Road( Marbel-Lutayan Road) harap ng Marbel 3 Elementary School ng Brgy.Avanceña sa Lungsod ng Koronadal.

📻 92.5 FM
📷 Rapido Nicka Cabillon Pama

See you, Barangay Benitez, Banga, South Cotabato! Avail the free MEDICAL MISSION TODAY (May 17, 2026), 8:00 a.m., at the...
16/05/2026

See you, Barangay Benitez, Banga, South Cotabato! Avail the free MEDICAL MISSION TODAY (May 17, 2026), 8:00 a.m., at the Barangay Benitez Gymnasium.

Kitakits, mga KANAMI! 🩵


"Bangkay ng lalaki, natagpuang nakaloblob sa isang Box Culvert sa Lungsod ng Koronadal"CITY OF KORONADAL-Bangkay na nang...
16/05/2026

"Bangkay ng lalaki, natagpuang nakaloblob sa isang Box Culvert sa Lungsod ng Koronadal"

CITY OF KORONADAL-Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki na hinihinalang nalunod at inanod biyernes pa ng gabi at natagpuan pasado alas 6:00 umaga na nitong sabado May 16,2026 sa bahagi ng Purok Bodega ng Brgy.San Jose sa Lungsod ng Koronadal.

Kinilala ng Koronadal City PNP ang bangkay ng biktima na si Mark Daing Severino 44 na taong gulang isang laborer at residente ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, gabi ng biyernes May 15, ng huling makita ang biktima na nag-aalis ng mga basura at kahoy na humaharang sa daluyan ng tubig baha at aksidente itong nahulog sa butas at tuluyang nalunod.

Posibleng din umanong nakainum ang biktima ng mawalan ng balanse at mahulog sa malalim na bahagi ng kanal.

Sa ngayon ay nakalagak na ang bangkay ng biktima sa isang purenarya para sa isasagawang Post Mortem Examination.

📻 92.5 FM
🎤 Rapido Nicka Cabillon Pama

16/05/2026

TINGNAN ‼️Bangkay ng isang lalaki natagpuang nakaloblob sa isang Box Culvert umaga nitong sabado May 16,2026 sa bahagi ng Purok Bodega ng Brgy.San Jose sa Lungsod ng Koronadal,South Cotabato.

Kinilala ng kanyang kaanak ang bangkay ng biktima na si Mark Severino nasa hustong gulang isang laborer at residente ng Purok Bodega,Brgy.San Jose ng nabanggit na lungsod.

Sa ngayon nakalagak na ang bangkay ng biktima sa isang pribadong purenarya sa Lungsod ng Koronadal para sa isasagawang Post Mortem Examination.

📻 92.5 FM
📷 Rapido Nicka Cabillon Pama

15/05/2026

TINGNAN‼️Ang naging pahayag ni Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu sa ginanap na Inauguration ng ₱1-Billion Antong Dam Project nitong araw ng Biyernes sa Brgy.Antong,Lutayan Sultan Kudarat.

📻 92.5 FM
📷 Rapido Nicka Cabillon Pama

TINGNAN‼️Lalaki patay sa panibagong kaso ng pamamaril hapon nitong biyernes  May 15,2026 sa bahagi ng Sitio Bubonao ng B...
15/05/2026

TINGNAN‼️Lalaki patay sa panibagong kaso ng pamamaril hapon nitong biyernes May 15,2026 sa bahagi ng Sitio Bubonao ng Brgy.Agriculture sa bayan ng Midsayap,North Cotabato.

📻 92.5 FM
🎤 Rapido Nicka Cabillon Pama
📷 GIO FB

"405 benipisyaryo sa isinagawang Medical Mission ni Dok PBM sa Brgy.Namnama sa Lungsod ng Koronadal"CITY OF KORONADAL- U...
15/05/2026

"405 benipisyaryo sa isinagawang Medical Mission ni Dok PBM sa Brgy.Namnama sa Lungsod ng Koronadal"

CITY OF KORONADAL- Umabot sa 405 na mga indibidwal ang nakatanggap ng libreng konsultasyon,gamot at libreng tuli sa isang matagumpay na Medical Mission ni Former South Cotabato 2nd District Representative Dr.Peter Bascon Miguel ngayong araw ng biyernes May 15,2026 sa nagpapatuloy na selebrasyon ng 76th Foundation Anniversary at 6th Sweet Corn Festival ng Brgy.Namnama sa Lungsod ng Koronadal.

158 sa mga
ito ang nakatanggap ng libreng konsultasyon mula sa mga Volunteer Doctors libreng gamot kasama na ang vitamin,

Nasa 137 naman ang nakatanggap ng libreng Eye Check up at libreng salamin hatid ni Dra.Budz Calixton.

Nasa 59 na mga batang lalaki ang matagumpay na nagpatuli sa libreng Tuli Operation at nakatanggap ng libreng gamot.

Nasa 50 naman ang nakabenipisyo sa libreng Blood Typing hatid ni Koronadal City Councilor Handel Dee Babes Cadellino Cubilo para mga mamamayan ng Brgy.Namnama.

Sa darating na May 17,2026 nasa Brgy.Benitez sa bayan ng Banga ang Team PBM para sa Medical Mission at Tuli Operation.

📻 92.5 FM
📷 Rapido Nicka Cabillon Pama

Address

Alunan Avenue
Koronadal
9506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXKG 92.5 Radyo Rapido FM Koronadal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category