05/09/2025
๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ก๐ด ๐ง๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ
Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralan ng La Castellana National High School Senior High School, na pinangunahan ng mga mag-aaral at g**o sa Filipino. Ang programa ay nagsimula sa isang taimtim na panalangin, na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. Nagbigay ng pahayag si Ma'am Ligaya Adolacion tungkol sa kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagpakita naman ng talento ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng intermisyon tulad ng pagkanta.
Sa patimpalak ng Spoken Poetry, itinanghal na kampeon si Frich Teves, habang nakakuha naman ng ikalawang pwesto si Micah Madamay at ikatlong pwesto si Jennifer. Nagpamalas din ng galing ang mga ibang mag-aaral sa paggawa ng poster, logo, tula at pagkanta.
Itinanghal din ang mga nanalo sa Vocal solo, si Alexa Mae Paca bilang kampeon, habang nakakuha naman ng ikalawang pwesto si Keizha Mae at ikatlong pwesto naman si Aieka Ann Santua.
Sa paggawa naman ng poster ay nakuha ni Edelyn Claire Belista ang unang pwesto, sinundan nina Mikael Perez at Jeyoni Gritz Kadusale. Sa paggawa naman ng logo, nagwagi si Karlie Yam Roa. Sa paggawa ng tula, nanguna si Lennard Cedric Juen, sinundan ni Dionela para sa ikalawang pwesto at si Valerie Gabi naman sa ikatlong pwesto.
Ang highlight ng programa ay ang Lakambini 2025 na kung saan ang mga kandidata ay may nirerepresenta na iba't ibang rehiyon ng Pilipinas, tulad ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Itinanghal bilang Lakambini 2025 si Zurilen Yzabiel Latorilla, habang nakakuha ng titulong Binibining Luzon si Jhelai Samole, Binibining Visayas kay Czarah Nichole Paclibar, at Binibining Mindanao kay Kriz Marie Salcedo. Nakuha naman ni Benneth Loraine Mapa ang 2nd Runner up at 1st runner up naman kay Zarmae Tortocion.
Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay ng pangwakas na mensahe si Ann Mae Sadiasa, Filipino Club Adviser, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang. Ang matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay patunay ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.