25/07/2025
May panahon noong mga bata pa kami. Ako ang panganay at may anim akong kapatid noon. Nasa ikalima o ikaanim na baitang ako. Bumagyo at nagtuloy-tuloy ang ulan halos lampas isang linggo. Lahat ng kaingin namin ay may tatawiring ilog at dahil sa tuloy-tuloy na pag ulan ay lumaki ang tubig sa ilog na hindi ko na matawid. Paubos na rin ang aming panggatong kung may natitira man ay basa pati kusina basa na rin. Buti nalang may sayote sa aming bakuran at ito mjna ang aming pinagsaluhan. Naubos na rin ang bunga ng sayote kaya hinukay na namin ang ugat nito at niluto namin, infairnes masarap yong bunga ng sayote sa ugat. Pagkatapos noon hinukay na din namin yong parang luya na tinatawag naming galumaka niluto namin at yon na wala na kaming lulutuin. Nag decide na ako na sumubok tumawid sa ilog, nag isip na kami ng paraan para makatawid kinabukasan. Hindi pwede na walang pagkain lalo na at may sanggol kami. Pati mata basang basa. Hindi ko na maalala kung nanalangin ba ako o umiyak lang. Malakas ang ulan at may naririnig akong parating sa aming tahanan, mayamaya ay may dumungaw sa aming pintuan at pina-upo ang isang kaban ng bigas at umalis. Muling bumaha ng luha ang aking mga mata sa pasasalamat. Nga pala baka magtanung kayo, baka lang naman, pero unahan ko na kayo. Ang aking tatay ay nabilanggo sa mga panahong yon at ang aming nanay ay umalis para maghanapbuhay. Subrang hirap ang dinanas naming magkakapatid, nawalan pa kami ng kapatid sa pagkawala ng haligi ng aming tahanan.
Sa mga naghihirap at nagluluksa ngayon sa mga nawala mang mahal sa buhay o mga ari-arian dahil sa hagupit ng bagyo. Magtiwala at manalig lang Po tayo sa Diyos na may hawak ng lahat. Maaring masakit at marami tayong tanung sa Kanya, ibuhos lang Po natin sa Kanya ang mga yan at mas higpitan pa natin ang ating pananalig sa Kanya at makikita natin kung paanu Niya tayo ililigtas.