07/04/2026
Huli yata ang laboπ
πππ ππππ, πππππππππ ππ πππππππππππ ππππ ππ πππ πππππππ πππ-πππ ππ ππππ
Pinangunahan ng TRU Tricycle Regulatory Unit sa pamumuno ni Jasper Von M. Villaluz, LPT, katuwang si Coun. Jose Angelo βJonjonβ Coreses, Chairman ng Transport Committee, ang isinagawang aplikasyon para sa TRU Subsidy pay-out mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naging katuwang din ang ibaβt ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Daet sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rossano βRonieβ Valencia.
Isinagawa ang aktibidad ngayong April 7, 2026 sa Daet, Camarines Norte, kung saan dumalo ang mga benepisyaryong drayber mula sa ibaβt ibang sektor ng transportasyon.
Aabot sa 2,800 tricycle drivers at 100 hauler drivers ang inaasahang makatatanggap ng nasabing subsidy, na layuning makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Maayos na ginabayan ang mga benepisyaryo sa proseso ng aplikasyon, kabilang ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento at beripikasyon ng kanilang kwalipikasyon, upang matiyak na mapupunta ang tulong sa mga tunay na karapat-dapat.
Ang TRU Subsidy ay bahagi ng programa ng pamahalaan upang suportahan ang sektor ng transportasyon, lalo na ang mga drayber na labis naaapektuhan ng mga hamon sa ekonomiya.
Sa pamamagitan nito, muling ipinakita ng Pamahalaang Bayan ng Daet ang kanilang patuloy na malasakit at suporta sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon, bilang bahagi ng adhikain nitong mapanatili ang maayos na kabuhayan ng mga DaeteΓ±o.