08/09/2025
𝐓𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐅 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐆-𝐎𝐍 𝐌𝐓𝐁 𝐑𝐀𝐂𝐄, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝟓𝐓𝐇 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐆-𝐎𝐍 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋
Masarap makamtan ang tagumpay nang mag-isa ngunit mas nakakatuwa ito maabot nang may kasama. Ito ang pinatunayan ng Tour of Busig-on Mountain Bike (MTB) Race 3 Man-Edition kung saan 3 siklista ang bubuo sa bawat grupo at magpapabilisan sa pag-abot sa finish line. Isinagawa ito nitong ika-7 ng Setyembre, 2025 kung saan ang 30 grupo mula sa iba’t ibang bayan sa Camarines Norte na lumahok ay magkakarera simula Munisipyo ng Labo paikot sa mga barangay ng Brgy. Masalong, Brgy. Talobatib, Brgy. Calabasa, Brgy. Matanlang, Brgy. Benit, Brgy. Tulay na Lupa, Brgy. Lugui, Brgy. San Antonio, Brgy. Bautista along Bypass Road to Brgy. Bulhao, Brgy. Bakiad, Brgy. Sta. Cruz, Brgy. Fundado, Brgy. Cabusay hanggang sa makarating na sa finish line ng karera sa Burgos St., na nasa gilid rin mismo ng Pamahalaang Bayan.
Matapos nito ay nagkaroon ng awarding sa mga nanalo at kinilala ang mga natatanging kalahok sa Labo People’s Park bandang alas-11 ng umaga. Narito ang mga nanalo kabilang ang kanilang mga pangalan, numero at ang nakuha nilang pwesto:
CHAMPION (Group 11)
RUSSEL JIN AIKEN BAYLON - Daet
LESTER ARIOLA - Daet
HARRY DAVE ABANES – Mercedes
2ND PLACE (Group 30)
JOVEN CAMINO – Vinzons
DANCEL ANIBAN – Vinzons
EBOY QUIÑONES – Basud
3RD PLACE (Group 3)
LILKEN GAMILLA – Jose Panganiban
NATHANIEL JAMES LEAÑO - Jose Panganiban
JHON ANTHONY MONTALLA - Jose Panganiban
4TH PLACE (Group 8)
RAVEN MAGANA – Labo
JOHN CLAIREV HARRIS DAR – Labo
JP CAMPANA – Labo
5TH PLACE (Group 1)
JONAR SOTERIO – Mercedes
LEMWILL JUNES DOLOR – Labo
MARK TRISTAN OCTA – Vinzons
Ang Tour of Busig-On MTB Race 3 Man Edition ay naging posible sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Labo, katuwang ang kanilang Tourism, Culture and Heritage Division at ang Team Mahinahon Bikers Camarines Norte sa pamamagitan ng kanilang Co-Founder at Vice President na si G. Peejay Molina.
Pagbati po sa mga nagwagi at natapos ng matagumpay ang karera!