
30/10/2024
Aabot sa 19 ka tao ang Patay sa Nangyaring Bakbakan sa Pagitan ng Dalawang Armadong Grupo sa Pagalungan, MDS
2 ka tao ang patay sa panig ni kumander Ikot Dandua, habang 17 ka tao ang patay sa tropa ni Engr Datu Alonto Sultan, matapos magka-engkwentro ang dalawang grupo kahapon ng hapon sa Brgy. Kilangan, Pagalungan, Maguindanao Del sur.
Umabot umano sa 19 ang kompirmadong namatay, matapos magkaroon ng matinding bakbakan ang dalawang armadong grupo ngayong hapon sa Barangay Kilangan, Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Ayon sa inisyal na impormasyon, dumating sa lugar si Eng'r Alonto Sultan kung saan nais nyang okupahin ang lupa na syang nagpasiklab sa bakbakan sa pagitan ng pangkat ni Sultan at pangkat ni kumander Dandua dahilan ng pagkasawi ng labing siyam ka tao.
Ayon sa ulat ang Grupo ni Engr. Datu Alonto Sultan ay may matagal nang hidwaan laban sa Grupo ni Commander Ikot Dandua at Commander Bawsi. Sunod sunod ang pagpupulong na isinagawa sa bayan ng pagalungan sa pangunguna ni Mayor Salik Mamasabulod at 602nd brigade at 90IB PA. Ang Alkalde ng Pagalungan ang nagdala sa presensya ng militar sa lugar upang matigil ang bakbakan. Una nang inihayag ni Engr. Sultan na mayroon siyang katibayan sa pag-aari ng 280 ektaryang lupain sa Sitio Gageranin, Brgy Kilangan sa pamamagitan ng Land Title kaya legal umano ang kanyang pag-ukopa sa nasabing lupa. Pinabulaanan naman ito ni Commander Bawsi at iginiit na walang lupa si Engr. Sultan sa kanilang lugar dahil lupain ito umano ng kanilang ninuno.
Nagresulta ng malawakang pag-bakwit ng maraming residente ang kasalukuyang girian sa panig ng dalawang grupo sa naturang barangay.
Photo: J.Ali