17/06/2025
Ang Pagbagsak ng Eroplano ng Air India.
Para sa iba, isa lang itong balita na mabilis lilipas.
Pero para sa akin, isa itong malalim na paalala na temporaryo at hindi natin hawak ang buhay.
Apat na buhay. Apat na kwento. Apat na kwentong puno ng aral na nagbago sa pananaw ko sa oras, purpose, at biyaya ng bawat sandali.
Una: Isang pamilya na matagal nang nangangarap na makalipat sa UK.
Ilang taon nilang hinintay ito. Pinagpaliban dahil sa mga responsibilidad, delays, at mga desisyon sa buhay. Sa wakas, nakasakay sila sa eroplano... Pero hindi na nila narating ang destinasyon.
Doon ko napagtanto:
Ang dami nating plano para sa "BALANG ARAW." Pero kung palagi nating ipagpapaliban, ang "balang araw" ay nagiging wala na.
Ikalawa: Isang babae na dapat ay sakay ng eroplanong iyon.
Na-late siya. Hindi siya nakapag-check-in. Nakiusap siya, nagmakaawa, pero hindi siya pinayagang sumakay.
Galit siya, dismayado, pakiramdam niya ay talunan sya.
Hanggang sa mabalitaan niya ang nangyari. At doon niya napagtanto, ang pagka-late niya ay biyaya ng Diyos.
Hindi palaging ibinibigay sa atin ang gusto natin, dahil may nakikita ang Diyos na hindi natin nakikita.
Minsan, ang "hindi" Niya ang siyang nagliligtas sa atin.
Ikatlo: Isang lalaki ang nakaligtas.
Nahati ang eroplano sa gitna. Sakto siyang nasa parte na hindi nasunog. Nakakalakad pa siya, gulat at buhay, mula sa isang trahedyang hindi akalaing malalagpasan.
Hindi iyon basta swerte. MAY DAHILAN
At naalala ko ang bersikulo:
"May panahon para sa lahat ng bagay; isang oras para sa bawat gawain sa ilalim ng langit." – Eclesiastes 3:1
Hindi pa niya oras.
Ikaapat: Ang mga hindi nakaligtas.
Mga taong may pangarap. Mga taong may pamilyang naiwan. Mga kwentong hindi natapos. Hinalikan nila ang mahal nila sa buhay o nagpaalam noong umaga. Hindi nila alam, iyon na pala ang huli.
Ang buhay nila ay paalala:
HINDI GARANTISADO ANG ORAS.
Hindi lahat umaabot ng katandaan.
Hindi lahat may "MAMAYA."
Ang meron lang tayo ay NGAYON. Isang hininga. Isang pintig ng puso. Isang pagkakataon.
Kaya habang may NGAYON ka pa...
Habang humihinga ka pa, malakas ka pa, kaya mo pa, HUWAG MONG SAYANGIN.
Huwag mo nang hintayin ang “perpektong” panahon.
Magmahal ka na ngayon. Humingi ng tawad ngayon. Magpatawad ngayon. Mangarap ngayon. Magsalita ngayon.
Dahil hindi palaging may babala ang buhay.
At minsan, hindi na dumarating ang “susunod na pagkakataon.”
Leira Bella
May Eiram
゚viralシfypシ゚viralシalシ