
22/08/2025
๐๐ฒ๐ฐ๐ฎ๐ป๐ผ, ๐ช๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐๐๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ต๐ ๐๐ป๐๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐ถ๐บ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป
Nasungkit ni Zain Andrei B. Decano mula sa Laoac National High School ang gintong medalya sa 25m Freestyle Kick Board at tansong medalya sa 25m Backstroke sa Celestial Depths Invitational Swimming Competition na idinaos noong ika-16 ng Agosto 2025 sa New Clark City (NCC) Aquatics Center, Capas, Tarlac.
Ang paligsahan ay inorganisa ng Central Northern Luzon Cordillera Swimming Coaches Association (CNLCSCA) at suportado ng Swim League Philippines (SLP). Naging host dito ang Pangasinan Aqua Dragon Swim Club at Tarlac Mako Sharks bilang bahagi ng ika-127 CNLCSCA Swim Series na naglalayong magsilbing plataporma para sa grassroots swimming development sa bansa.
Ibinahagi ni Decano ang kanyang naging damdamin matapos maiuwi ang dalawang medalya. โAng naramdaman ko po ay masaya po,โ aniya. Dagdag pa niya, malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang walang sawang suporta ng kanyang pamilya at mga coach. โInspiration ko ay family and coaches na nag-support sa akin,โ wika niya.
Ayon kay Decano, masinsinan ang kanyang naging paghahanda bago ang kompetisyon. โYung preparation ko ay mag-training,โ dagdag niya.
Itinuturing ang panalo ni Decano bilang patunay ng kahalagahan ng sipag, tiyaga, at determinasyon sa larangan ng isports, kasabay ng inspirasyong dulot ng pamilya at mga tagapagsanay.
Si Zain Andrei B. Decano ay 12 taong gulang na mag-aaral mula sa Baitang 7โArchimedes sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Arsenia Palad at ni Dr. Amy T. Paco bilang punong-g**o ng Laoac NHS.
๐๐ฟ๐๐ถ๐ธ๐๐น๐ผ | ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐ฆ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ, ๐๐ป๐ป๐ฒ ๐ก๐ถ๐ฐ๐ผ๐น๐ฒ ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐พ๐๐ฒ๐ฑ, ๐๐ต๐ฒ๐ถ๐น๐๐ป ๐ ๐ต๐ฎ๐ฒ ๐๐น๐ฎ๐ฝ, ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ต๐ผ๐๐ฒ ๐ ๐๐๐ถ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฆ๐ฒรฑ๐ผ๐ฟ๐ฎ