Damag Ilocano

Damag Ilocano TULONG;SERBISYO
📧 [email protected]
(2)

Pintor, arestado sa pagbebenta umano ng  shabu sa Laoag City, Ilocos NorteTimbog sa isinagawang drug buy-bust operation ...
08/08/2025

Pintor, arestado sa pagbebenta umano ng shabu sa Laoag City, Ilocos Norte

Timbog sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. 17, Laoag City ang 48-anyos na lalaki, pintor, residente ng Brgy. 28, Laoag City at kabilang sa kategorya ng mga otoridad na street level individual.

Nagbenta umano ng dalawang sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.1 grams at may street drug price na PHP7,480.00 ang lalaki sa police poseur- buyer.

Nakumpiska sa lalaki ang hinihinalang shabu na may bigat na 4.3 grams at may street drug price na PHP29,240.00, PHP1,000.00 buy-bust money at ilan pang drug paraphernalia.

Haharap sa kaukulang kaso ang lalaki.

03/08/2025

Sa panayam sa Chief of Police ng Marcos, Ilocos Norte na si PMAJ Jonevale T Maramag, matagal na umanong minamanmanan dahil sa ilegal na gawain ang 55-anyos na magsasaka na residente ng Brgy. Escoda,Marcos.

Nagpaalala rin ito sa mga mamayan ng Bayan ng Marcos na patuloy sa gumagawa ng ilegal.

Unang report:

https://www.facebook.com/share/p/15eJG9BxeQ/?mibextid=wwXIfr

Magsasaka,huli sa umano’y pagbebenta ng hinihinalang shabu sa Marcos,Ilocos NorteNasa kostudiya na ng pulisya ang 55-any...
03/08/2025

Magsasaka,huli sa umano’y pagbebenta ng hinihinalang shabu sa Marcos,Ilocos Norte

Nasa kostudiya na ng pulisya ang 55-anyos na lalaki, magsasaka at resindente ng Brgy. Escoda, Marcos,Ilocos Norte matapos mahuli sa akto sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa poseur-buyer sa kanilang mismong bahay.

Nakuha sa suspek ang 4-sachets ng hinihinalang shabu kabilang na ang umano'y ibinenta nito na may bigat na mahigit-kumulang 1 gram at may street drug price na PHP6,800.00, PHP1,000.00 na ginamit bilang buy-bust money, drug paraphernalia at ilan pang personal na gamit nito.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.

🎊 SM celebrates 40 SUPER YEARS with over 3,500 amazing deals! 🎊* To mark its 40th anniversary, SM Supermalls is treating...
01/08/2025

🎊 SM celebrates 40 SUPER YEARS with over 3,500 amazing deals! 🎊*

To mark its 40th anniversary, SM Supermalls is treating you to a massive celebration with 3,500+ deals from your favorite brands and stores nationwide! 💙

🛍 Shop, Swipe, and Redeem via the SM Malls Online app from August 1 to September 9, 2025.
Get ready for exclusive promos, epic finds, and surprises you won’t want to miss—happening across 88 SM malls! 🎁

Celebrate with us and discover why everything’s better at SM.
Check out the complete list of deals here: https://gosm.link/SMMallsOnlineSuperDeals



01/08/2025

Mahigit PHP81,000.00 na halaga ng hinihinalang shabu, nahanap sa bahay ng isang lalaki sa Batac City sa bisa ng Search Warrant

Sa implementasyon ng Search Warrant para sa Violation of R.A. 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002 , nagtungo ang kapulisan ng Batac City Police Station, PDEA,PIU-INPPO, RID, PRO1,PPDEU, MARPSTA sa bahay ng 34 yrs. old na lalaki sa Brgy. 22 Maipalig, Batac City.

Sa paghahalughog sa bahay ng lalaki, nakita sa isa sa mga plastic cabinet ang isang itim na coin purse na may lamang 8 small sachets at 1 big sachet ng hinihinalang shabu at ilan pang drug paraphernalia.

Ang hinihinalang shabu ay may bigat na 12 grams at may street drug price na PHP81,600.00.

Ang lalaki ay hindi naabutan sa kanilang bahay nang isagawa ang Search operation ngunit inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa lalaki.

01/08/2025

Panayam kay PMAJ Norman Pentang, Chief of Police ng Dingras Municipal Police Station ukol sa pagkaaresto ng isang lalaki, matapos umanong manutok at magpaputok ng baril sa tatlong menor de edad sa Dingras, Ilocos Norte

Naunang report:

https://www.facebook.com/share/p/1BQsUNQbUr/?mibextid=wwXIfr

Construction worker, arestado matapos umanong magpaputok ng baril at makitaan ng hinihinalang shabu sa Dingras, Ilocos N...
31/07/2025

Construction worker, arestado matapos umanong magpaputok ng baril at makitaan ng hinihinalang shabu sa Dingras, Ilocos Norte

Ayon sa report ng pulisya, lumapit ang tatlong menor de edad pasado alas otso kagabi sa mga kapulisan na nakaduty para sa Police visibility sa harap ng Munisipyo ng Dingras upang isumbong ang isang lalaki.

Lumapit umano sa kanila ang lalaki habang sila ay nakaupo sa isang “kurong kurong” at sinabihan sila ng “apay nagriringor kayo, kayat yu ta papatayen kayo?”, habang itinututok ang isang baril, 'di nagtagal ay pinaputok nito ang hawak na baril at agad na umalis sa lugar gamit ang isang motorsiklo.

Agad namang nagresponde ang mga kapulisan at nagsagawa ng hot pursuit operation.

Nahuli ang suspek sa isang sari-sari store sa Brgy. Albano, Dingras at nakumpiska sa kanya ang isang baril na may apat na bala, isang coin purse mula sa kanyang beltbag na may lamang 1 sachet ng hinihinalang shabu, tatlong bala para cal. .9mm na baril, pera at ilan pang drug paraphernalia.

Ang suspek ay 35 yrs. Old na lalaki, construction worker at residente ng Brgy. Albano,Dingras.

Nasa kostudiya na ito ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso.

PUBLIC SERVICE ADVISORYWe’re glad to have you as partners in bringing service and relief to those who are in need.You ma...
29/07/2025

PUBLIC SERVICE ADVISORY

We’re glad to have you as partners in bringing service and relief to those who are in need.

You may drop by the Operation Tulong Express Booth located at the Upper Ground Level at the Main Entrance 2 beside Breadtalk at SM City Laoag for your cash donations.

You may also scan the QR Code to make the donation directly to the Philippine Red Cross.

Address

Laoag City

Telephone

+639957760777

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Damag Ilocano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Damag Ilocano:

Share