30/08/2026
BANGKAY NG ISANG LALAKI, NAKITA NA PALUTANG-LUTANG SA ILOG SA LAOAG CITY, ILOCOS NORTE
STORY:
Isang bangkay ng lalaki ang nakita ng isang mangingisda na palutang-lutang sa Padsan River sa Barangay 32-B La Paz, Laoag City, Ilocos Norte linggo ng umaga, August 30, 2026.
Sa imbestigasyon ng pulisya, tinitingnan ng mangingisda ang kanyang mga kulungan ng isda ng makita ang bangkay.
Sa pagsusuri ng doktor, wala naman itong anuman sugat sa katawan na palatandaan sana na may foul play.
Sa inisyal na inmpormasyon, posible na nalunod ang biktima.
Kulay black ang kanyang short at brown tshirt at 5"4" ang tangkad.
Sa ngayon hindi pa nakikilala ang biktima.
Sa mga may nawawalang kamag-anak, makipag-ugnayan sa Laoag City PNP.
End
Courtesy: CDRRMO Laoag