14/11/2025
𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐍𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐓𝐀𝐍𝐃𝐔𝐀𝐍𝐄𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑𝐓𝐘𝐏𝐇𝐎𝐎𝐍 𝐔𝐖𝐀𝐍; 𝐃𝐎𝐇 𝐁𝐈𝐂𝐎𝐋 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐏𝟏.𝟕𝐌 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐎𝐃𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒
Nag-inspeksyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang personal na alamin ang sitwasyon at pinsalang iniwan ng Bagyong “Uwan" sa lalawigan ng Catanduanes noong Nobyembre 13, 2025.
Pormal ding naiturn-over ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) sa pangunguna ni Director Rosa Maria Rempillo, MD, ang mahigit P1.7 milyong halaga ng health commodities sa Catanduanes Provincial Health Office (PHO) bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng ahensya sa mga apektado ng nasabing super typhoon.
Kabilang sa mga ibinigay ang hygiene kits, water containers, breastfeeding kits, water purification tablets, insecticide nets at screens, at mga gamot—bilang suporta sa pagpapatuloy ng serbisyong pangkalusugan para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.
Ayon sa DOH Bicol, mananatili ang kanilang koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at agarang serbisyo sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad. | ulat ni Emmanuel Bongcodin at Juriz Dela Rosa | Radyo Pilipinas Albay, RP Radyo Pilipinas Virac Catanduanes
📷 DOH Bicol