08/11/2025
Mga malapit sa dagat
Babala sa Daluyong ng Bagyo ( Warning) na inilabas ng DOST-PAGASA kaninang alas-2 ng hapon, November 8.
May mataas na panganib ng life-threatening storm surge sa susunod na 48 oras. Posibleng tumaas ang tubig sa baybayin kasabay ng malalakas na alon sa mabababang lugar sa mga sumusunod na lalawigan:
🔴 Higit sa 3 metro: Albay, Aurora, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Isabela, Pangasinan, Quezon, Sorsogon
🟠 2.1 – 3 metro: Camarines Sur, La Union, Pangasinan, Northern Samar, Quezon, Cagayan
🟡 1 – 2 metro: Bataan, Bulacan, Cavite, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Metro Manila, Pampanga, Pangasinan, Zambales, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Eastern Samar, Batangas, Cagayan, Batanes
Mga Dapat Gawin:
⚠️ Iwasan ang baybayin o tabing-dagat.
⚠️ Ipagpaliban ang lahat ng gawaing pandagat.
⚠️ Lumikas sa mas mataas na lugar at malayo sa baybayin o mga madalas tamaan ng storm surge.
⚠️ Maging alerto at sundan ang updates mula sa DOST-PAGASA at lokal na awtoridad.