14/06/2024
TITLE. ANG BUWAN🌑AT ARAW☀️ IKAW AT AKO BALANG ARAW.
By: Me ✍️🖤
Sa bawat Pagsikat ng Araw
Panibagong Pag-asa na nag-uumapaw
Kagaya ng pag-asang nakikita ko saaking balintataw
Na magiging ikaw din at ako balang araw
Sa Pagsapit ng Takipsilim
Yaring si Buwan ang magbibigay liwanag sa Dilim
At Eto na naman ang Gabing Kay panglaw
Sabay ng preskong dampi ng hangin , upang ako'y makaramdam ng Ginaw
Magbubukang Liwayway
Heto't sa balkunahe , Ang bawat ala-ala ay Hinihimay
Hindi na tayo nagkita, sa isat-isa'y Agad pang Nawalay
Oh tadhanang Kay Lupit, Mapaglaro kang tunay
Mala Araw at Buwan pala ang ating kwento
Ako ang Araw na nag aalab sa init ang Pag-ibig para saiyo
At ikaw naman ang siyang Buwan
Na ninanais kong Mahagkan at Makamtan
Ngunit Tila Dahil Mapaglaro ang Tadhana
Ang pag-ibig na Minsa'y kay Kupido ko pina-Pana
Ay hindi Maaaring Pag-isahin o magsama ngayon at Kailanman
Napakasaklap Pakinggan ngunit ito ang Katotohanan
Na may mga Bagay at Gusto tayo sa Buhay
Na hindi pwedeng maging atin kahit buhay pa ang ialay
Kaya't ang magagawa natin ay magpaalam at sakanila'y mawalay
Napakasakit lalo na kung ang taong iyon ay ang taong gusto mong makasama ng pang Habang buhay
Hanggang Dito nalang itong aking Tula
Na sa tuwing babasahin ko'y ikaw ang maaalala
Na minsan Kang naging Buwan sa gabing kay panglaw
At iniwan din ako pagdating ng Araw.